MULA nang magkapandemya na dulot ng COVID-19 PANDEMIC ay malaki ang naging epekto sa buhay at pamumuhay ng mamamayan lalo na’t sa kasalukuyan ay nagtaasan na ang presyong bilihin sa mga pagkain.., dahil sa umano’y kakulangan ng suplay na mga pagkain ay mainam na solusyon ang URBAN FARMING na inilulunsad ng DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM (DAR) sa pamamagitan ng programang “BUHAY SA GULAY”.
Sabi nga ni CALOOCAN CITY MAYOR OSCAR “OCA” MALAPITAN.., maliit man ang espasyo ng lupang mapagtatamnan sa kanilang lungsod ay malaki na rin ang maitutulong nito dahil kapag namukadkad na ang mga gulay ay maaari na itong maging pang-ulam ng mga baranggay officials at kanilang kawani.., ika nga menus gastos, sa halip na bibili pa sa palengke ay mamimitas na lamang sa kanilang mga gulayan para maipang-ulam ng mga nagsisipagtrabaho sa mga bara-barangay.
Nitong nakaraang Huwebes ay inilunsad ang programang BUHAY SA GULAY PROJECT sa BRGY. 167 SUNRISER VILLAGE, CALOOCAN CITY na pinangunahan nina DAR SECRETARY BRO. JOHN CASTRICIONES at CITY MAYOR MALAPITAN na dinaluhan ng mga opisyales ng mga barangay sa naturang lungsod.
Ang naturang proyekto ay ang 3rd BUHAY SA GULAY na nailunsad ng DAR na tinaguriang “HIDDEN GARDEN IN THE CITY” mula sa matagumpay na paglulunsad ng URBAN VEGETABLE FARMING sa ST. JOHN BOSCO, TONDO, MANILA at sa BRGY. BAGONG SILANGAN noong October 2020 at nitong.January 8, 2021.
Kumbinasyong proyekto ito ng National Government Agencies, Local Government Units at ng Community-Based Organizations sa pangunguna ng DAR, DEPARTMENT OF AGRICULTURE (DA), Local Government ng CALOOCAN CITY, AGRICULTURAL TRAINING CENTER (ATI), gayundin ng mga residente sa BRGY. 165, 166, 167 at 168; at ang Agrarian Reform Beneficiaries ng CAVITE at RIZAL.
Sa naturang okasyon ay naroon din sina CALABARZON REGIONAL DIRECTOR RENE COLOCAR na ito ang nangunguna sa pagtuturo ng makabago at produktibong pagtatanim ng iba’t ibang mga gulay; ATI DEPUTY DIRECTOR ROSANA MULA; ARBO representatives mula sa CAVITE at RIZAL; mga BRGY. CHAIRMEN ng 165, 166, 167 at 168 na sina VICTORIO DANTES, MAGDALENA GREGORIO, ANTONIO “TONY” REYES at CRISANTA DEL ROSARIO.
“Urban vegetable farming project is a self-help start-up livelihood project where concerned government agencies and organizations will converge, share their resources, and offer an opportunity to enable the urban farmers to produce and eat fresh healthy vegetables and provide them with additional source of income,” pahayag ni BRO. CASTRICIONES.
Bukod sa proyektong URBAN FARMING ay hinihimok ngayon ni BRO. CASTRICIONES ang mga magulang na himukin ang kanilang mga anak na sumuong sa AGRICULTURAL COURSES dahil kapag nakatapos sa pag-aaral ang sinuman na may kaugnayan sa agrikultura ay pagkakalooban ng gobyerno ang mga AGRI GRADUATES ng lupang masasaka.., na mula isang ektarya o maaaring hanggang 3 ektaryang lupa na magiging pag-aari at walang gagastusin. Ika nga, benepisyong ipagkakaloob ito ng gobyerno upang mapagyabong pa ang agrikultura at dumami ang maging PROUD FARMERS na mag-aangat muli sa ekonomiya ng ating bansa.
Maganda itong proyektong pinasimulan ng DAR na dapat ay mapamarisan ito ng iba pang government agencies tulad halimbawa ng BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES (BFAR) na makapaglunsad din ng URBAN FISHERIES para sa mga pamamaraang.makapag-alaga ng iba’t ibang mga isda, shells tulad halimbawa ng pag-aalaga sa SUSONG KUHOL o PILIPIT at TULYA sa loob ng mga bahay-bahay.., sa gayon ay hinde na lang gulay ang maipang-ulam kundi may mga isdang tabang, igat, hipon at mga talangka gayundin ng mga suso (snail). Syempre mas maganda kung ilibre ng gobyerno ang mga seminar o pag-aaral ng mga pag-aalaga sa loob ng mga pamamahay para maengganyo at dumami ang magkainteres sa pag-aalaga., para na rin sa kapakanang maipang-uulam ng mga pami-pamilya o maging negosyo rin ng mga pamilya para makasalba ngayong panahon ng pandemya!
NATIONAL URBAN POOR ASSEMBLY VIA ZOOM NG PCUP
Sa darating na Lunes (February 15) ay isasagawa ng PRESIDENTIAL COMMISSION FOR THE URBAN POOR (PCUP) sa pangunguna ni USEC. ALVIN FELICIANO ang NATIONAL URBAN POOR ASSEMBLY (NUPA) na lalahukan ng URBAN POOR LEADERS sa buong LUZON sa pamamagitan ng ZOOM VIRTUAL CONFERENCE bilang bahagi ng CARAVAN ACCREDITATION.
“Isang malaking pagsubok ang pagtama ng pandemya sa ating bansa ngunit ngayong 2021, marami po tayong plano upang mas mapabuti at umangat muli ang estado ng mga maralitang Pilipino at kasama nga po rito ang malawakang accreditation at pagkakaroon ng NUPA ng urban poor organizations na unti-unti po natin bubuuhin”, pahayag ni USEC. FELICIANO.
Mahigit 300 UPOs mula sa iba’t ibang probinsiya sa Luzon ang makikilahok at nakahandang maging lehitimong organisasyon para agad maabutan ng mga serbisyo ng pamahalaan. Ito rin ay paghahanda sa magaganap na election para sa mga mamumuno sa City/Municipality level, Provincial level, Regional level at National level ng buong accredited UPOs.
Binuo ng PCUP ang NUPA upang mapabilis ang pagtukoy sa mga isyu at suliranin ng mga maralitang sektor at siyang magsisilbing kinatawan direkta sa PCUP tungo sa iba pang ahensya ng gobyerno.
Kabilang din sa layunin ng nasabing pulong ay ang pormal na pagpapakilala sa NUPA sa lahat ng mga UPOs hindi lang sa Luzon kundi pati na rin sa iba pang mga probinsiya sa Pinas.
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.
The post Presyong gulay mahal? Urban farming ang solusyon! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: