Facebook

1 patay, 4 sugatan sa tumaob na truck

NASAWI ang isa at sugatan ang apat na pasahare nang tumaob ang kanilang sinasakyan truck sa Kabasala, Zamboanga Sibugay.
Kinilala ang nasawi na si Eduardo Pabuaya, 60 anyos; at ang mga sugatan ay sina Melchor Baunillo, 57; driver, ng Brarangay Kitabog, Titay; Reynaldo Luza, 48; Julius Vergara, 29; at Glenn Padua, 21.
Ayon sa report, 8:40 ng gabi nang maganap ang aksidente sa Brgy. Dipala, Kabasalan.
Ayon sa ulat, sakay ang mga biktima ng truck na may plakang MAC 7879 at puno ng rubber products na minamaneho ni Baunillo galing Brgy. Lacnapa, Kabasalan patungong Brgy. Poblacion nang nag-overtake ang driver sa isang sasakyan nguni’t hindi nito nakontrol ang manibela ng truck, dahilan upang bumaliktad ito.
Naipit sa loob sa truck si Pabuayan at binawian ng buhay pagdating sa ospital.
Samantala, nagtamo ng mga galos at pasa sa katawan si Baunillo at 3 pa.(Mark Obleada)

The post 1 patay, 4 sugatan sa tumaob na truck appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
1 patay, 4 sugatan sa tumaob na truck 1 patay, 4 sugatan sa tumaob na truck Reviewed by misfitgympal on Pebrero 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.