Facebook

Magtiyuhin pisak nang magulungan ng truck

NASAWI ang magtiyuhin na magkaangkas sa motorsiklo nang mabangga at magulungan ng prime mover truck sa Bacolod-Silay Airport Access Road sa Barangay Efigenio-Lizares, Talisay City, Negros Occidental, Sabado ng hapon.
Kinilala ang mga biktima na sina Allan Bedonia, 55; at Rodrigo Bedonia, 22, kapwa residente ng Hacienda San Antonio 1, Barangay Dos Hermanas, Talisay City.
Ayon sa ina ni Allan na si Rosalinda, dumalo ang mga biktima sa binyag ng apo ni Allan sa Silay City at pauwi na ang mga ito nang maganap ang aksidente.
Binabaybay ng motorsiklo at truck ang north-south direction nang binangga ng prime mover ang motorsiklo.
Dahil sa lakas ng impact, kapwa tumilapon ang dalawa mula sa motorsiklo at kumalat ang kanilang katawan sa daan.
Nawasak ang helmet ng mga ito. Dahil sa mga tinamong sugat sa katawan, kapwa sila binawian ng buhay.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Talisay City Police Station ang driver ng prime mover truck na wala pang pagkakakilanlan.

The post Magtiyuhin pisak nang magulungan ng truck appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Magtiyuhin pisak nang magulungan ng truck Magtiyuhin pisak nang magulungan ng truck Reviewed by misfitgympal on Pebrero 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.