Facebook

Pulis-Maynila nagpakilig ng mga kababaihan sa Divisoria

PINAKILIG ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang mga babaeng mamimili at vendor sa Divisoria nitong Valentine’s Day nang mamahagiang mga ito ng munting regalo na hugis puso.
Unipormado pa ang mga Pulis-Maynila na umikot sa buong Divisoria partikular sa Dagupan, Ylaya at Juan Luna Sts. upang magbigay ng ngiti sa mga kababaihan sa gitna ng kinakaharap na pandem-ya.
Sinabi naman ni MPD-Dagupan outpost Supervisor SMS Gerardo Tubera na sa kanilang pamamahagi ng munting regalo, kaakibat din ang patuloy na pagpapaalala sa mahigpit na pagsunod sa minimum health standards sa Divisoria upang nakaiwas sa sakit dulot ng Covid-19.
Kaugnay pa rin sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso, una nang naghandog ng munting kasiyahan at regalo sa Rasac covered court na nagsisilbing temporary site, Delpan Evacuation Center, Manila Youth Recreation Center, at Reception and Action Center (RAC).
Iba’t ibang gulay na nakumpiska ng mga tauhan ng Dagupan Outpost sa kanilang patuloy na clearing operation sa Divisoria ang kanilang ipinagkaloob sa nabanggit na mga institusyon.
Ayon kay Tubera, regular ang kanilang pamamahagi ng tulong sa mga institusyon at quarantine facility basta’t mayroon silang nakumpiska.
(Jocelyn Domenden)

The post Pulis-Maynila nagpakilig ng mga kababaihan sa Divisoria appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pulis-Maynila nagpakilig ng mga kababaihan sa Divisoria Pulis-Maynila nagpakilig ng mga kababaihan sa Divisoria Reviewed by misfitgympal on Pebrero 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.