Facebook

Ret. police tinodas ang lalaking nagtanan sa anak

TINODAS ng isang retiradong pulis ang lalaking nagtanan sa kanyang anak sa Zamboanga City.
Kinilala ang biktima na si Radzkamar Hakim, legal age, ng Maluso, Basilan.
Nadakip naman ang salarin na si Abdulmiri Jamili, 65 anyos, retired police ng Sta. Barbara Zamboanga City.
Ayon kay Capt Edwin Duco, spokesman ng PRO9, 12:15 ng tanghali nang maganap ang pamamaril sa Three & One Enterprise sa Veterans Avenue, Zamboanga City.
Sa report, bumibili ang biktima kasama ang kanyang asawa na si Myreme Jamili nang lapitan ni Abdulmiri at pinaputukan at mabilis na tumakas sakay ng isang itim na motorsiklo patungo sa Sta. Barbara.
Sa follow up operation ng mga otoridad, nadakip si Abdulmiri sa Sta. Barbara.
Ayon sa ulat, itinanan ng biktima noong 2019 si Myreme na anak ng Abdulmiri na labis na ikinagalit nito at nagbanta sa mag-asawa.
(Mark Obleada)

The post Ret. police tinodas ang lalaking nagtanan sa anak appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ret. police tinodas ang lalaking nagtanan sa anak Ret. police tinodas ang lalaking nagtanan sa anak Reviewed by misfitgympal on Pebrero 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.