Facebook

Bong Go, umasiste sa mga pamilyang nasunugan sa Davao City, Taguig City

MATAPOS makarating sa kanyang kaalaman, agad na pinadalhan ng tulong ni Senator Christopher “Bong” Go ang nasa 26 pamilyang naapektuhan ng sunog sa Barangay Buhangin, Davao City at 32 pamilyang nasunugan din sa Barangay Tanyag sa Taguig City.

“Alam kong hirap kayong lahat ngayon dahil sa pandemya tapos nawalan pa kayo ng bahay dahil sa nangyaring sunog,” ayon kay Go sa mga residente ng Barangay Buhangin.

“Gusto ko lang ipaalam sa inyo na narito kami lagi sa gobyerno. Handa kaming tumulong lalo na sa panahon ngayon na lahat ay naghihirap,” anang senador.

Ang distribution activity ay isinagawa sa Park Saint Jude Covered Court kung saan nakatanggap ang mga nasunugan ng makakain, cash assistance, food packs, masks, face shields at medicine packs.

“Suotin niyo ang mga masks at face shield para hindi na kumalat ang virus sa inyong lugar. Sumunod din tayo sa mga protocols ng gobyerno,” paalala ng senador.

May mga piling residente ang binigyan ng bisikleta para magamit nila sa pagtatrabaho at computer tablets para sa kanilang mga anak na estudyante. Namahagi rin si Sen. Go ng mga bagong pares na sapatos.

Naging emosyonal si Evelina Mantigo, isa sa mga nasunugan, matapos pasalamatan ang kabutihan sa kanila ni Sen. Go.

“Ako ay nagpapasalamat nang malaki kay Senador Bong Go sa kanyang tulong dahil sa aming kalagayan na mga nasunugan. Pasensya na emotional lang ako, nagpapasalamat ako nang malaki dahil ito na rin ang paraan para makabalik kami at mapatayo namin ang aming mga bahay,” sabi ni Mantigo.

Hinikayat ng senador ang mga nangangailangan ng gamutan at major health operations na lumapit sa Malasakit Center sa Southern Philippines Medical Center para sila ay matulungan.

“Kung sino man ang kailangan magpaopera, lumapit lang kayo sa akin o sa aking staff. Tutulungan namin kayo para sa inyong mga operasyon,” ani Go.

“At mayroon na rin tayong Malasakit Center kung saan naroon na ang apat na ahensya ng gobyerno na nasa iisang bubong na lamang. Hindi na mahihirapan ang ating mga kababayan na manghingi ng tulong sa gobyerno para sa mga healthcare needs,” idinagdag niya.

Sa Taguig City, 32 pamilyang nawalan ng bahay at kabuhayan sanhi ng malaking sunog ang agad ding dinaluhan ni Sen. Go.

“Huwag po kayong mawalan ng pag-asa, mga kababayan ko. Kaunting tiis lang po dahil magtutulungan tayo para malampasan natin itong sunog at pandemya,” ang sabi ni Go sa mga residente.

“Ang importante, buhay tayo. Alam niyo, ang pera naman ay kikitain natin at ang gamit ay mabibili, subalit ang buhay ay hindi mabibili ng pera,” aniya pa.

Isinagawa ang pamamahagi ng tulong sa Bagong Tanyag Integrated School kung saan ay iba’t ibang ayuda ang natanggap ng mga residente.

Isang paraplegic na si Joel Principe ang labis na nagpasalamat kay Go matapos mangako ang senador na sasagutin na ang gastos sa kanyang physical therapy hanggang sa siya ay makarekober.

“In 2019, naaksidente ako. Nasagi ng truck at tumagilid ‘yung motor ko. Nung itinakbo ako sa ospital, hiningan kami agad ng fifty thousand pesos para lang sa bakal ng paa ko, wala pang operasyon. Isang taong mahigit bago ako naoperahan,” kuwento ni Principe.

“Magdadalawang taon na na wala akong trabaho. ‘Yung naipon ko na pera, ubos na. Kaya maraming salamat po sa assistance. Salamat sa Diyos sa lahat, tapos kay Senator Bong Go at kay Presidente. Sobrang salamat kasi walang-wala ako, tapos ngayon nakatanggap ako ng napalaking tulong,” ang napaluhang pahayag pa ni Prinsipe. (PFT Team)

The post Bong Go, umasiste sa mga pamilyang nasunugan sa Davao City, Taguig City appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go, umasiste sa mga pamilyang nasunugan sa Davao City, Taguig City Bong Go, umasiste sa mga pamilyang nasunugan sa Davao City, Taguig City Reviewed by misfitgympal on Pebrero 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.