Facebook

Libreng Swab Tests sa Cinema Workers, alok ni Isko

LIBRENG swab tests para sa mga cinema workers sa kabisera ng bansa ang alok ni Manila Mayor Isko Moreno.

Ang alok ay ginawa ng alkalde matapos na payagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga sinehan, theme parks at museums, at iba pang establisyento na nasa general community quarantine (GCQ), na magbukas nang muli.

Ayon kay Moreno, ire-require niyang sumailalim sa swab testing ang mga cinema workers bago payagan ng lokal na pamahalaan ang mga malls na magbukas ulit ng kanilang mga cinema.

“Hindi ko bubuksan ang cinema hangga’t di natetest ang workers,” sabi ni Moreno matapos na makipagpulong sa mga mall managers ng SM Manila, SM San Lazaro, Robinsons Manila at Lucky Chinatown.

“We will extend assistance. Those who wanted to work, you have to follow this simple guidelines, this is also for their own good and their community,” ayon pa sa alkalde.

Kabilang umano sa mga sasailalim sa libreng swab tests sa Manila Health Department ay ang mga janitors, security guards, tellers, ushers porters, ticket tellers, at snack bar attendants.

Bagamat naniniwala ang alkalde na ang muling pagbubukas ng mga sinehan ay magreresulta sa foot traffic sa public areas, makakadagdag din aniya ito s akita ng mga negosyong matinding naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Gayundin, inatasan ng alkalde na ang mga mall managers na iprisinta ang gagawin nilang paghahanda para sa pagbubukas muli ng mga sinehan, alinsunod sa ipinaiiral ng national government na health protocols.

“Ang assurance ko sa inyo ay the city is aggressive. You have the support of the city, I agree with the opening of the cinema because I believe in you, that you are a responsible citizens,” sabi pa ni Moreno. (ANDI GARCIA)

The post Libreng Swab Tests sa Cinema Workers, alok ni Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Libreng Swab Tests sa Cinema Workers, alok ni Isko Libreng Swab Tests sa Cinema Workers, alok ni Isko Reviewed by misfitgympal on Pebrero 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.