MASUSING pag-aaralan ni Manila Mayor Isko Moreno ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na buksan na sa publiko ang mga sinehan,theme parks ,arcades at museum.
Ayon kay Moreno, kukunsultahin muna niya ang mga Manila Health Department (MHD) at mga mall owners para alamin kung handa na rin sila sa pagbubukas ng mga sinehan at arcades.
“Kailangan na makonsulta namin ‘yung aming mga medical frontliners lalo na ang MHD: Ano bang epekto? May technical study na ba talaga?” ani Moreno.
“Second, ano naman ang gagawin ng theater owners na mga precautionary measures? We are open to the idea, pero ayaw namin na magkabiglaan lang,”dagdag pa ni Moreno.
Kasama sa rekomendasyon ng IATF sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ang pagbubukas sa mga driving schools, libraries at cultural centers at itinaas na rin sa 50% ang puwedeng dumalo sa mga religious gatherings.
Binigyan-diin pa ni Moreno na kinakailangan ng maayos na preparasyon at responsibilidad sa nabanggit na bagay.
“Pinag-aaralan pa namin kasi while it is true that we wanted to open businesses, are they ready to come up with a plan yung katulad ng cinema o yung mga nabanggit? Hindi naman po pwede na bibiglain natin. Kailangan responsable pa rin,” giit pa ni Moreno.
Idinagdag pa ni Moreno na isang malaking hamon sa kanila ang pagbubukas ng mga sinehan, arcades at iba dahil at may kaakibat na responsibilidad ang pagdedesisyon ukol dito dahil nasa pandemya pa ang bansa. (ANDI GARCIA)
The post Rekomendasyon ng IATF na buksan na ang mga sinehan, pag-aaralan ni Isko appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: