Facebook

Pasay LGU, malatuba nga ba ang trato sa mga PWDs at senior citizens?

KUNG noong dati raw sa ilalim ng pamumuno ni former Pasay City Mayor and now Congressman Tony Calixto ay alagang-alaga ang mga senior citizens at mga residenteng may kapansanan (PWDs), ngayon daw ay entirely the opposite.

Hindi dahil sa neglected ito ni sitting Mayor Emi Calixto-Rubiano ha, kundi umano sanhi ng mga taong nagkamaling italaga ni Mayora Emi para pangalagaan ang kapakanan ng mga SCs at PWDs.

Ang mga opisyal umano at tauhan ng OSCA at ng mga nangangasiwa sa kapakanan ng Persons With Disabilities (PWDs) are either not really concerned about the welfare of these people o sadyang walang kaalaman upang pangalagaan at pagmalasakitan ang kapakanan ng sektor na ating tinatalakay!

“Yung iba kasing opisyal sa OSCA ay tila nandidiri sa pakikisalamuha sa sektor ng katandaan sa Pasay City lalo na ngayong may pandemya o sadyang walang malasakit.

Karamihan kasi sa mga itinatalaga sa OSCA at sa tanggapan na nangangasiwa sa mga PWDs ay mga “political accommodations” lamang ng kampo ni Mayora Emi.

Ibig sabihin, kahit walang moral capabilities o kakayahang mamuno at mapunta sa mga pampublikong tanggapang ito ng gobyerno ay naa-appoint pa rin bilang reward sa pagsuporta sa political career ni Mayor Emi Calixto-Rubiano.

Kahit na nga magagaspang ang ugali at sadyang di puwede sa mga frontline services ng city hall ay anduduon pa rin dahil malakas umano kay Mayora Emi at saradong botante talaga ng butihing alkalde.

Mukhang di po tama ito Mayora Emi dahil in the long run, kayo po ang mapupulaan kung ganitong mga bastos at walang malasakit sa mga seniors citizens at PWDs ang mga taong itinalaga n’yo sa mga tanggapan sa city hall na mangangalaga sa kapakanan ng nasabing dalawang sektor.

Napakarami na po kaming reklamong natatanggap dahil sa magaspang na asal ng mga taga-OSCA na talagang sumisira sa “efficiency” sa pagseserbisyo sa mga constituents ng Pasay ng Office of the City Mayor ng lungsod.

Walang kaalam-alam si Mayora Emi sa mga katarantaduhang ito kung kaya’t unfair sa butihing lady chief executive ang mga negatibong pangyayaring ito.

It’s about time na madiskubre ni Mayora Emi Calixto-Rubiano ang kalbaryong dinaranas ng mga senior citizens at PWDs ng siyudad sa araw-araw sa kamay ng mga appointees ni Mayora Rubiano.

Lumalabas tuloy na “MALATUBA” ang uri ng sebisyo at malasakit ng Pasay City Hall sa dalawang sector na ito.

No need to mention names para sa isyung ito.

Sapat na siguro Mayora Emi na italaga natin sa mga tanggapang ito ay ‘yung may mga kakayanan, malasakit at may sapat na kaalaman para makapagkaloob ng wagas, tapat at tunay na serbisyo publiko sa sektor ng senior citizens at PWDs.

‘Wag po yaong zero ang work experience at talagang walang pasensiya sa sektor ng katandaan at PWDs.

Talaga pong hindi ng mga ito mauunawaan ang mahirap at miserableng kalagayan ng ating mga “seniors at PWDs.

May karugtong…

ABANGAN!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post Pasay LGU, malatuba nga ba ang trato sa mga PWDs at senior citizens? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pasay LGU, malatuba nga ba ang trato sa mga PWDs at senior citizens? Pasay LGU, malatuba nga ba ang trato sa mga PWDs at senior citizens? Reviewed by misfitgympal on Pebrero 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.