Facebook

Sino nga ba si Atty. Gilbert Repizo?

MARAMING mga kababayan nating mindoreƱo sa buong lalawigan ng Oriental Mindoro partikular na ang mga CalapeƱo ang nakakakila kay Attorney Gilbert U. Repizo bilang isang mahusay at tapat na public servant.

Sa mga hindi nakakaalam,nagsimulang maglingkod si Atty. Repizo sa Calapan City taong 1998 nang maluklok ito bilang Number 1 City Councilor kung saan nakapagpasa siya ng ibat-ibang ordinansa sa lungsod na hanggang ngayon ay pinakikinabangan ng mamamayan.

Dahil sa husay at kasipagan ni Atty. Repizo, nahirang siya bilang Executive Director ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) sa panahon ng kanyang panunugkulan.

Matatandaang bago pa naupo si Atty. Repizo bilang konsehal ng lungsod ay marami na siyang natulungan sa pamamagitan ng “free legal consultation” at libreng notaryo para sa mga kapus-palad.

Bukod sa laki sa hirap at pagiging malapitin nito sa mga maralitang pamilya, si Atty. Repizo ay tinaguriang “Abogado ng Masa” at tagapagtanggol ng mga mahihirap sa Calapan City, Oriental Mindoro pagdating sa usaping legal.

Maraming mindoreƱo at calapeƱo ang kumumbinsi kay Atty. Repizo na ipagpatuloy niya ang kanyang nasimulang paglilingkod sa kanyang mga kababayan na tumakbo bilang alkalde ng Calapan City bilang independent candidate.

Nawala man si Atty. Repizo sa larangan ng pulitika noon ay hindi naman nawala sa larangan ng paglilingkod, kung saan nagsilbi siya bilang Deputy Commissioner sa Bureau of Immigration sa pamahalaang nasyunal.

Hindi rin nakalimutan ni Atty. Repizo ang kanyang mga kababayan, nang magkaharap kami sa Sto Domingo Church sa Quezon City at napag-alaman ko na nais pa rin nitong maglingkod at mag-serbisyo.

Ayon naman sa panawagan ng ilang mindoreƱo kay Atty. Repizo na nakausap natin, kahit sa isang bayan o siyudad sa Oriental Mindoro siya maglingkod.

Subaybayan natin!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa balyador69@gmail.com.

Samantala, laging subaybayan ang palatuntunang “walang personalan trabaho lang” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00nn sa RADYO NG MASA entertainment net radio. Tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band at 10:00am-11:00am sa DWXR 101.7FM – Mapapanood livestreaming via Facebook at Youtube!

The post Sino nga ba si Atty. Gilbert Repizo? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sino nga ba si Atty. Gilbert Repizo? Sino nga ba si Atty. Gilbert Repizo? Reviewed by misfitgympal on Pebrero 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.