Facebook

Hamon ng China

TOTOO ba na napakalakas ng China upang isangla ni Rodrigo Duterte ang kanyang kaluluwa sa China at talikuran ang interes ng sambayanang Filipino? Hayaan ninyo na bagtasin namin ang usapin ng China bilang isyu sa pambansang kaunlaran.

Masalimuot ang pagpapalakas at paglabas ng China sa pandaidigang entablado. Ayon sa The Heritage Foundation, isang policy think tank sa Estados Unidos, humaba ang listahan ng panganib ng China. Pinapayagan ng liderato ng China ang mga diretsong paglusob sa mga cyber network ng gobyerno ng Estados Unidos, pagnanakaw sa intellectual property ng mga kumpanyang Amerikano, at tinatakot ang malayang pagbaybay at paglalayag sa mga karagatan.

Nakikialam ang mga Intsik sa seguridad ng mga kaalyado sa Estados Unidos at nanghihimasok sila sa demokratikong proseso. Ginagamit nila ang mga ipinuhunan sa mga bansa sa Africa at hindi maunlad ng bansa upang makialam sa direksyon ng kanilang gobyerno. Kamakailan, sinuportahan ng Peking ang paglupig sa karapatan ng mga aktibistang Intsik na ipahayag ang kanilang saloobin sa Hong Kong.

Tinalakay ng ulat ng The Heritage Foundation, ang kasaysayan at kasalukuyang sitwasyon ng China upang maunawaan ang puwang nito sa pandaidigang kaayusan. Isang bansa na batbat ng awtoryanismo ang China. Hindi ito demokratiko sa maraming bagay. Malayo ito sa nakagisnang sibilasyon na ibinigay ng mga Kanluraning bansa. Mapapansin ang diktadurya ng Chinese CommunistParty sa iba’t-ibang aspeto ng pamumuhay sa China.

Walang konsepto ng karapatang pantao o human rights sa China. Hindi kilala ang Universal Declaration of Human Rights sa Chna. Walang sistema ng husgado, walang civil society, walang panggitnang uri, o middle class na may sariling halagain (values). Hindi puede gamitin ang mga halagain ng Kanluran bilang panukat sa China. Dahil kontrolado ng CCP ang China, ginagamit ang batas upang mas lalong makontrol ag lipunan.

Hindi kilala sa China ang pangingibabaw ng batas (rule of law). Isa itong dahilan kung bakit hindi kinikilala ng China ang maraming tratado at kasunduan. May sariling itong batas na ang pangunahing layunin ay magamit ng CCP sa pagkontrol sa lipunang Intsik.

Bagaman nagkaroon ng maraming pagbabago mula nang maupo si Deng Xiao ping bilang pinuno ng China pagkamatay si Mao Zhe dung noong 1975, matindi ang mga korporasyon na pag-aari ng estado. Sa kanila galing ang 40 porsiyento ng Gross Domestic Product, ang panukat sa bulas ng kanilang kabuhayan, at 20 porsiyento ng mga hanapbuhay. Hindi ang lakas ng merkado (market forces) ang totoong naghahari sa larangan ng kabuhayan sa China kahit binuksan na ang Chia sa mga dayuhan.

Maigi maunawaan ang kasaysayan ng China;dinanas ng China ang tinawag na “Century of National Humiliation,” o isang daan ng kahihiyan at pagkalupig ng China sa mga dayuhang puwersa. Mula 1849 hanggang 1949 nawala sa China ang kakayahan ng ipatupad ang sariling batas at taluntunin ang sariling kapalaran dahil pinaghatian siya ng mga bansa mula Kanluran. Naging suspetsoso ang China sa impluwensiya ng Kanluran.

Nagkaroon ng away ang China sa mga bansang malapit sa border – Rusya at India. Defensive ang China sa mga teritoryo sa gawing silangan. Naging polisiya g China na impluwensiyahan ang mga bansa sa kanyang silangan sapagkat may kahinaan ang kanyang mga industriya sa silangan. Sa maikli, kailangan na kontrolado niya ang South China Sea. Ito ang ipinilit ng China na hindi sinasang-ayunan ng Estados Unidos.

Gayunpaman, patuloy ang control ng CCP sa China. Kasama sa pagkontrol ang limitasyon sa daloy ng impormasyon na papasok sa China. Hindi lahat ng impormasyon na galing sa Kanlurang bansa ang nakakapasok sa China. Nariyan ang tinawag na “Great Firewall of China.” Nandiyan pa rin ang hindi pagkilala sa mga tratado at kasunduan.

***

BUMABALIK ang Estados Unidos sa Asya. Nagbago ang foreign policy ng administrasyon ni Joe Biden at nakasentro na ito sa China. Hindi nais ng Estados Unidos na lumaki at maging makapangyarihan ang China. Hindi nito gusto na maging world power ang China.

Bagaman sinabi ni State Secretary Antony Blinken sa pagdinig ng Senado na may ambisyon ang China na maging world power, sinabi ng ulat na hindi ito ang ambisyon ng China. Gusto lamang na maging isang regional power, isang bansa na may kapangyarihan sa Asya. Nais naman ng Estados Unidos na rendahan ang China at hindi puede sa kanila na maging mas makapangyarihang bansa ang China.

Maganda ang isang punto ng ulat tungkol sa kabuhayan ng China. Malaki ang utang ng China at tumatanda na ang kanyang populasyon. Nakikita naming na kung sasabay ang China sa banta ng Estados Unidos, mauubos ang China. Babagsak ang kanyang kabuhayan sa hinaharap. Hindi malayo na mangyari ang nangyari sa Unyon Sobyet na nawasak dahil nakipagkompetesiya sa Estados Unidos. Hindi natin alam kung paano kakagat ang Peking.

***

MALINAW sa ulat ang komitment ng Estados Unidos sa karapatang pantao. Gagamitin ang usapin na ito upang mabawasan ang impluwensiya ng China sa mga karatig-bansa. Dito masisilip ang gobyerno ni Rodrigo Duterte. Sapagkat isang malaking kahinaan ng gobyerno ni Duterte ang karapatang pantao, hindi natin alam kung paano pangangatawan ni Duterte ang kanyang pagiging kriminal at walang galang sa karapatang pantao.

Alam ni Duterte at sampu ng kanyang kampon na proyekto na sila ng Estados Unidos. Hindi magtatagal ay mawawala sila sa poder. Alam nila ang kapasidad ng Estados Unidos para sa sa malinaw na destabilisasyon. Alam nila na puede silang paglaruan. Iyana ng matining nilang pangamba sa hinaharap. Malapit na nga pala sa halalan sa 2022.

***

QUOTE UNQUOTE: “Donald Trump’s electoral loss and Joe Biden’s ascendancy into power means populism has considerably weakened. It’s different.” – Archie Jimenez, netizen

“The madman and his ilk are loyal to China. They’ll do everything for China’s greater glory. Forget the PHL; they stand for China.” – Roger Santos, netizen

“Because the Philippines is a confirmed human rights violator under the madman, it can ask vaccine doses from China or Russia. Others won’t give. The anti-pandemic vaccine has become a political weapon. Confirmed human rights violators would have a hard time having theirs. Vaccine makers from the West have them as among the last in their priority to sell and give. Thy are not bullish to sell their vaccine products to them. China, Russia, Venezuela, Bolivia and the Philippines are among the countries that voted against the resolution expressing dismay over the human rights situation i Myanmar that was brought before the United Nations Commission on Human Rights.” – PL, netizen

The post Hamon ng China appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Hamon ng China Hamon ng China Reviewed by misfitgympal on Pebrero 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.