ISANG gobernadora ang binigyan ng ‘show cause order’ ng Department of Interior and Local Government (DILG) dahil sa pagpigil sa APOR government officials na makapasok sa kanilang probinsya para sa isang business transaksyon.
Ito ang inihayag ni DILG Usec. Epimaco Densing kaugnay parin sa mga usapin ng exemption sa Covid testing at quarantine sa mga opisyal ng gobyerno.
Ayon kay Densing, gusto ng gobernador na hindi na binanggit pa ang pangalan na i-qauarantine ang ilang opisyal ng gobyerno na papasok sa kanilang probinsya.
Paliwanag nito, batay sa Omnibus guidelines, puwedeng gumalaw ang mga APOR basta’t may patunay na opisyal ito ng gobyerno, may travel order at walang sintomas na pinapakita.
Ayon pa kay Densing, napaka-importante na maintindihan ito ng local government officials .
Dagdag pa nito, hindi iikot ang isang government official kung may sakit o may sintomas ito ng Covid-19.
Bukod dito, limitado rin aniya ang kanyang travel order na kapag wala nito ay maaari siyang hindi papasukin dahil hindi official business ang kanyang transaksyon.
Paalala ni Densing, huwag pigilan ang mga kawani ng gobyerno para gampanan ang kanilang trabaho . (Jocelyn Domenden)
The post Gobernadora binigyan ng show cause order sa isyu ng gov’t officials test, quarantine exemption appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: