Facebook

KTV bar sinalakay: 52 babae nasagip

NAILIGTAS ang 52 kababaihan na na-recruit sa prostitusyon ng isang KTV bar sa Clark Freeport Zone sa Mabalacat, Pampanga, kungsaan lima sa ang arestado.
Sa ulat, nagsagawa ng entrapment operation ang Special Concern Unit ng Region 3 nang makatanggap ng tip na may nangyayaring prostitusyon sa nasabing establisyimento.
“Ang mga customer po nila ay pawang Chinese. Nagre-range po ng P5,000 to P20,000 po ang isang babae,” ayon kay Police Major Joel Alba, OIC ng Special Concern Unit ng Region 3.
Sinabi ni Michelle, hindi tunay na pangalan, na nakita niya lamang ang recruitment sa isang Facebook post na kailangan ng model.
Ang isang sa mga inaresto na si Meli Ngo sinabing usapan nila na magta-translate lang siya sa mga Chinese.
“Two days lang ang usapan namin na magta-translate ako… Hindi ko po alam,” ayon kay Ngo.
Hindi nagbigay ng pahayag ang iba inaresto, na nahaharap sa mga kasong paglabag sa “Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012.”

The post KTV bar sinalakay: 52 babae nasagip appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
KTV bar sinalakay: 52 babae nasagip KTV bar sinalakay: 52 babae nasagip Reviewed by misfitgympal on Pebrero 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.