Facebook

‘Valentine’s Day’ check point: Mga walang ’dyowa’ pinara ng pulis

WALANG pinili ang mga pulis sa kanilang animo’y check point nang parahin lahat ang mga biyahero para bigyan ng bulaklak nitong ‘Araw ng mga Puso’ sa San Ildefonso, Bulacan.
Sa pamamagitan ng bagong acting chief of police na si LTCOL. Carl Omar Fiel, inatasan niya si LT Ray Ferdinand Cruz na mamahagi ng bulaklak.
Ipinaramdam nila ang pag-ibig sa pamamagitan ng pag-abot ng bulaklak sa mga biyaherong dumaraan sa Cagayan Valley road, Brgy. Poblacion 8:30 ng umaga.
Walang piniling biyahero, ultimo motorcycle riders na magsing-irog, pasahero ng tricycle, truck driver, walang kasamang ‘dyowa’ at ilang nakasakay sa mga pribadong sasakyan ang pinara ng mga unipormadong pulis, hindi para hulihin o sitahin bagkus para iparamdam ang pag-ibig at kapayapaan.(James de Jesus)

The post ‘Valentine’s Day’ check point: Mga walang ’dyowa’ pinara ng pulis appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Valentine’s Day’ check point: Mga walang ’dyowa’ pinara ng pulis ‘Valentine’s Day’ check point: Mga walang ’dyowa’ pinara ng pulis Reviewed by misfitgympal on Pebrero 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.