ARESTADO ang dalawang lalaki nang mangikil kapalit ng hindi nila pagpapakalat ng maseselang larawan ng biktimang menor de edad sa Cabanatuan, Nueva Ecija.
Kinilala ang mga dinakip na sina Joshua Ramos, 20; at John Ray, 18.
Ayon sa ina ng biktima, nakilala ng kaniyang 10-anyos na anak si Ramos sa isang sikat na online game. Sa Facebook daw nabuo ang relasyon ng dalawa.
“Pinipilit na ngayon ng suspek ang biktima na gumawa ng sensitive acts until such time na tinatakot na ang victim na kapag hindi siya nag-perform ng mga gusto ni suspek sasabihin na ngayon sa parents niya,” sabi ni Police Captain Roxanne Datiles ng PNP Regional Anti-Cybercrime Unit 4A.
“So napilitan si victim na mag-send ng videos sa suspek,” dagdag pa ng opisyal.
Nanghingi raw ang suspek ng P5,000 kapalit ng hindi pagpapakalat ng nasabing mga larawan.
Sa report, narekober ang mga cellphone ng mga suspek at nabawi ang maseselang kuha ng batang biktima.
Kapwa nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Anti-Photo and Voyeurism Act, robbery-Extortion at child abuse.
The post 2 lalaki huli sa kotong gamit ang maseselang larawan ng 10-anyos na biktima appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: