Patay na nang isugod sa ospital ang dalawang lalaki na nagnakaw ng motorsiklo sa Purok GC, Abellera Street Kabacan, Cotabato Province nitong Biyernes.
Kinilala ang isa sa mga suspek na si Jebee Pandoma, 32-anyos, residente ng Maasim, Saranggani Province. Patay din ang kasama niyang menor de edad.
Ayon kay Police Maj. Wilson Manggay II, hepe ng Kabacan Municipal Police Station, unang namaril sa kanila ang mga suspek.
“Patakas na ‘yung mga perpetrators natin nang mahabol ng ating mga operatiba. Nung na corner na nga sila at wala na silang ibang matakbuhan naisipan nilang magpaputok papunta sa ating mga operatiba,” sabi ni Manggay.
Narekober sa crime scene ang isang kalibre .45 na baril at isang homemade single shot na M16 rifle pati na ang motorsiklo na umano’y ninakaw ng dalawa.
Pero giit ng lola ng menor de edad na walang baril ang kaniyang apo at ang kaibigan nitong si Pandoma.
Kauuwi lang umano ng binatilyo mula sa Tacurong noong nakaraang linggo, kasama ang bagong kakilala nitong si Pandoma.
Hindi niya matanggap ang sinapit ng apo lalo’t nakapagpadala pa ito ng mensahe sa social media sa ilan sa kaniyang mga kaibigan na nahuli sila pero hindi malinaw kung mga pulis ang nakahuli.
“Nakapag-chat pa siya sa isang kaibigan niyang babae, sabi nya, kunin niyo kami, nahuli kami dito sa Kabacan,” aniya.
The post 2 patay sa police ops appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: