Dead on the spot ang isang negosyante na Barangay Kagawad, at kasama nitong bantay-bayan nang pagbabarilin ng riding in tandem sa ilang na lugar sa Brgy. Lambakin sa bayan ng Jaen sa lalawigan ng Nueva Ecija.
Kinilala ang mga biktima na sina Kagawad Florencio Cajucom, negosyante o namimili ng Kalabaw; at bantay bayan member na si Armando Pring kapwa nasa hustong gulang at residente ng Brgy Sto Tomas North sa nabangit na bayan.
SA report, naganap ang pamamaril 8:40 ng gabi ng Pebrero 5, 2021 sa madilim at sabanang bahagi ng Brgy. Lambakin.
Nabatid na bago ang insidente nakatanggap ng tawag sa telepono si Konsehal, na may magbebenta umano ng Kalabaw sa nabangit na lugar, kung saan nagpasama siya sa isang bantay-bayan.
Makalipas ng ilang munuto umalingawngaw na ang sunod-sunod na putok ng baril.
Kaugnay nito itinanggi ng mga awtoridad na may kaugnayan sa usapin ng politika ang pamamaslang sa dalawa.
Samantala, patuloy ang malalimang imbestigasyon ang isinasagawa ng mga pulis kung sino at ano ang motibo ng pagpatay.(Thony D. Arcenal)
The post Brgy. kagawad at tanod patay sa tandem appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: