Facebook

P .8M ECTASY, NASABAT SA PORT OF NAIA

UMABOT sa halagang P 839,800 libong piso na ‘party drugs’ ang nasabat ng Port of NAIA mula sa Central Mail Exchange Center (CMEX) dahilan upang ikasa ang drug-bust operation laban sa dalawang claimants nito sa Davao City.
Kinilala ang dalawang naresto na sina Christian Sulla at Kennet Cajoles.
Sa pakikipagtulungan ng PDEA Regional Office XI, NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) at Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF), nasakote ang dalawang claimants noong February 4, 2021 sa Elrio Vista Village sa Davao City.
Napag-alaman sa ulat na hindi nakalusot sa profiling ng BOC-NAIA frontliners ang nasabing kargamento na may lamang 494 pirasong tabletas kaya agad itong sinuri at ineksamin sa PDEA laboratory kung saan kinumpirmang ectasy tablets.
Sinampahan sina Sulla at Cajoles ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 in relation to 1401 of the Customs Modernization and Tariff Act. (Jojo Sadiwa)

The post P .8M ECTASY, NASABAT SA PORT OF NAIA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P .8M ECTASY, NASABAT SA PORT OF NAIA P .8M ECTASY, NASABAT SA PORT OF NAIA Reviewed by misfitgympal on Pebrero 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.