Hindi papayagan ng gobyerno na masayang ang napakahalagang bakuna sa mga recipient na biglang umaatras sa mismong araw ng pagbabakuna.
Paliwanag ni Health Usec Maria Rosario Vergeire, dapat may nakatalagang alternatibong recipient sakaling hindi magshow-up o umatras ang isang recipient na nasa listahan ng babakunahan.
“The government will not allow waste stage for this very valuable technology or vaccine na atin pong hirap na hirap na makuha para sa ating mga kababayan,” pahayag ni Vergeire.
Dagdag nito, mayroong itatalaga na alternate para sa mga tatanggi sa bakuna at ito ay base sa priority framework pa rin.
Sakali umanong nasa hospital at tumanggi ang isang kasama ay mayroon ihahanda na next in line mula sa komunidad na isa ring health care workers.
Sinabi pa ni Vergeire na mayroon na dapat alternative list at ito aniya ay bahagi ng instructions at guidelines na inilabas ng Kagawaran sa lahat ng area at facilities na magpapasimula ng pagbabakuna.
Sinabi pa ni Vergeire, na batid nang mayroon vaccine hesitancy at ang reyalidad na baka sakali na sa mismong araw ng vaccination ay bigla na lamang umatras ang recipient gaya aniya ng nangyayari sa ibang bansa. (Jocelyn Domenden)
The post DOH: Waste stage sa bakuna ‘di papayagan ng gobyerno appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: