Facebook

2 wanted patay sa warrant of arrest

NAPATAY ang isang number 2 most wanted person sa manhunt operation ng pulisya sa Barangay Dulangan, Digos City, noong Martes, Pebrero 9.
Ang nasawi ay kinilalang si Vicente Abe na nahaharap sa kasong homicide.
Nagpatupad ng warrant of arrest ang pulisya, pero nanlaban umano si Abe imbes na sumuko.
Samantala, namataydin sa pakikipaglaban sa pinagsanib na pwersa ng militar at pulis ang number 5 most wanted person sa Balabagan, Lanao del Sur.
Kinilala ang napatay na si Jayson Sampiano Deniega alyas Nonoy na sangkot sa multiple murders, drug trafficking at extortion.
Magsisilbi ng warrant of arrest nitong Miyerkules ng umaga ang mga tauhan ng Balabagan PNP kasama ang mga tropa ng Marine Battalion Landing Team 5 sa suspek sa Sitio Madjar, Barangay Molimoc, Balabagan nang manlaban ito.
Nakatakas ang dalawang kasamahan ni Deniega.

The post 2 wanted patay sa warrant of arrest appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 wanted patay sa warrant of arrest 2 wanted patay sa warrant of arrest Reviewed by misfitgympal on Pebrero 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.