Facebook

DAGDAG-PONDO NA LANG DAPAT SA GAB AT PSC !

DAGDAGAN na lang ang pondo ng sports agencies sa bansa sa halip na magtatag ng bagong kumisyunado na halos kapareho ang mandato sa establisadong institusyon nang matagal na panahon.
Ito ang may malasakit na opinyon ng broadcaster/ boxing analyst Ramon Datol ng pamosong ‘Datol Order’ na nakabase sa Toronto, Canada.
Kaugnay ito ng parehong Senate Bill na inihain nina Senators Manny Pacquiao at Ramon ‘Bong’ Revilla na naglalayong magtatag ng Philippine Boxing and Combat Sports Commission (PBCSC).
Rason ni Datol na ang Senate Bill No. 193 at 805 “An Act Creating the Philippine Boxing Commission and Combat Sports Commission and Providing Funds Thereafter”, ay tunay na redundant lamang sa mga gawain at responsibilidad ng dalawang ahensiya ng pamahalaan – ang Philippine Sports Commission (PSC) sa amateur at Games and Amusements Board (GAB) sa professional sports.
Tama ang Department of Budget and Management sa rekomendasyong ibasura ang Senate Bill nina Senators Manny Pacquiao at Bong Revilla.Magiging duplication of function lang ito( PBCSC) ng GAB at PSC eh, “ wika ni Datol ng naging boxing commentator din ng proyektong Go for Gold noong nasa Pilipinas pa siya ka-tandem si broadcaster/ journalist Ron delos Reyes. “Mas maigi pang dagdagan ng dalawang Senador ang budget ng GAB at PSC para may pakinabang naman ang mga amateur at pro athletes sa kanila.”giit ni Datol sa panayam via messenger.
Ang PBCSC ay may proposed P150 m kung maitatatag ito.
Si Datol ( aka The Tall Order sa Ph sports community ) na publisher ng The Courier sa Canada ay natutunghayan tuwing Sabado( 11pm Sunday GMT) sa kanyang FBPage Live at magbabalik na rin sa airwaves ng Radio Toronto sa buwang ito sa bagong titulong ‘Datol Order’.
Ang naturang rekomendasyon ng DBM ay sinang-ayunan din ng Phil Muay Thai Association, Wrestling Federation of the Philippines ,Universal Reality Combat Championship( URCC) Mixed Martial Arts at iba pang asosasyon ng combat sports sa bansa.
Hindi na kailangan ang PBCSP dagdag gastusin lang ito sa gobyerno. Under the chairmanship of Abraham ‘Baham’ Mitra, mas lalong naging maganda ang sistema at patakbo sa pro sports. GAB lang ok na,” pahayag ni Muay Thai president Gen. Lucas Managuelod sa petition paper na sumusuporta sa GAB.(Danny Simon)

The post DAGDAG-PONDO NA LANG DAPAT SA GAB AT PSC ! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
DAGDAG-PONDO NA LANG DAPAT SA GAB AT PSC ! DAGDAG-PONDO NA LANG DAPAT SA GAB AT PSC ! Reviewed by misfitgympal on Pebrero 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.