MAY 20 ahente ng NBI ang tututok sa imbestigasyon ng ‘misencounter’ ng PNP at PDEA. Mula sa iba’t ibang unit ng National Bureau of Investigation (NBI) ang sisiyasat sa naganap na ‘misencounter’ sa pagitan ng Philippine National Polive (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ayon kay NBI Spokesman Ferdinand Lavin, sinuyod na ng mga ahente ng NBI,ang lugar na pinangyarihan ng mis-encounter sa may Commonwealth Avenue sa QC.
Nabatid na may 3 testigo na ang hawak ng NBI at kinumpiska rin ang lahat ng cellphone ng mga pulis at PDEA agent para makita ang huli nilang transaksiyon.
“It is a priority case, lalo nanat tayo ang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-imbestiga sa kaso,”ayon kay Lavin.
Tiniyak ni Lavin na kaagad na tatapusin ng NBI,ang kanilang imbestigasyon sa insidente. Posible rin na magbigay ng rekomendasyon ang NBI sa kanilang imbestigasyon.
Nalaman na binigyan ng direktiba ni NBI OIC Director Eric Distor ang mga imbestigador na tingnan lahat ng anggulo. (Andi Garcia)
The post 20 NBI agents tututok sa PNP/PDEA ‘misencounter’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
20 NBI agents tututok sa PNP/PDEA ‘misencounter’
Reviewed by misfitgympal
on
Pebrero 27, 2021
Rating:
Walang komento: