Facebook

Higit 525K doses ng AstraZeneca COVID vaccine darating sa Lunes – Malakanyang

NAKATAKDANG dumating na sa bansa sa Lunes, Marso 1 ang 525,600 doses ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng kompanyang AstraZeneca.
Kinumpirma ito nina Presidential Spokesman Harry Roque at Senador Bong Go.
Ayon kay Roque, bahagi ito ng makukuha ng Pilipinas sa Covax facility.
“Kinukumpirma ko po na parating po ang 525,600 dosages po ng AstraZeneca itong darating na Lunes, 12:15 ng hapon. Ito po ay kabahagi nung makukuha ng Pilipinas galing sa COVAX facility. Meron po tayong inaasahan na 5.2 hanggang 9.2 million AstraZeneca dosages from the COVAX facility,” pahayag ni Roque.
“Nagpapasalamat po tayo kay Ambassador Pruce ng Inglatera dahil ang kanyang intercession po ang naging dahilan kung bakit napabilis po ang pagdating ng AstraZeneca sa Pilipinas. Nagpapasalamat din po tayo siyempre po sa COVAX facility, sa World Health Organization, sa UNICEF, sa Gavi, sa CEPI at saka sa Global Alliance against COVID-19,” pahayag ni Roque.
Sinabi ni Roque, nagpapasalamat si Pangulong Duterte kay Ambassador Pruce ng Inglatera at sa iba pa dahil sa pagdating ng bakuna.

The post Higit 525K doses ng AstraZeneca COVID vaccine darating sa Lunes – Malakanyang appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Higit 525K doses ng AstraZeneca COVID vaccine darating sa Lunes – Malakanyang Higit 525K doses ng AstraZeneca COVID vaccine darating sa Lunes – Malakanyang Reviewed by misfitgympal on Pebrero 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.