KINUMPIRMA ng Malakanyang na hindi na mandatory ang Covid-19 testing at quarantine para sa mga maglalakbay o turista maliban na lamang kung hihingiin ng lokal na pamahalaan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force ang pagkakaroon ng uniform travel protocols sa lahat ng local government units.
Saad pa ni Roque, nakapaloob sa Resolution number 101 na hindi na kailangan ang quarantine maliban na lamang kung magpapakita ng sintomas ng Covid 19.
Giit pa ni Roque na hindi na rin kailangan ang documentary requirements gaya ng travel authority, health certificates at iba pa.
“Travelers shall no longer be required to undergo COVID-19 testing except if the local government unit (LGU) of destination will make testing as a requirement prior to travel. Testing will be limited to RT-PCR test. In addition, travelers shall no longer undergo quarantine unless they exhibit symptoms upon arrival at the LGU of destination,” pahayag ni Roque.
Samantala, kinakailangan lamang na magpakita ng identification card, travel order, at travel itinerary ang mga authorized persons outside of residence (Apors).
Kinakailangan din na makapasa sa symptom-screening sa mga ports of entry at exit ang mga Apors.
“Meanwhile, the Department of Science and Technology (DOST)’s Safe, Swift, and Smart Passage (S-PaSS) Travel Management System will now be institutionalized as the one-stop-shop application/ communication for travelers. The StaySafe.ph System shall be utilized as the primary contact tracing system. Other existing contact tracing applications, such as Traze App, must be integrated with the StaySafe.ph System,” pahayag ni Roque. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)
The post COVID-19 TEST, QUARANTINE ‘DI NA MANDATORY SA PAGBIYAHE appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
COVID-19 TEST, QUARANTINE ‘DI NA MANDATORY SA PAGBIYAHE
Reviewed by misfitgympal
on
Pebrero 27, 2021
Rating:
Walang komento: