LINGID sa kaalaman ng karamihan na malaki ang naitulong ni Senador Christopher “Bong” Go sa agarang pagdating ng isa pang COVID-19 vaccine sa bansa mula sa United Kingdom.
Bukas nakatakdang salubungin ng Pangulong Duterte at ni Go ang 525,600 doses ng AstraZeneca sa airport mula pa sa bansang England.
Habang nakatakdang dumating naman sa bansa ang Sinovac mula sa China ngayong araw.
“Kinausap ko po si British Ambassador to the Philipines Daniel Pruce noong Miyerkoles kung maaring padalahan na rin tayo ng AstraZeneca na gawa sa Britanya para may option ang mga frontliners kung anong bakuna ang gusto nila”, ayon kay Go, chairman ng Senate Committee on Health.
Aniya, “nangako naman si Ambassador Pruce na tutulong sa agarang pagpaparating ng nasabing bakuna sa ating bansa. At yun na nga, parating na ang AstraZeneca ngayong araw”.
Sinabi rin ni Go, “naisip ko lang kasi na takot yung iba magpabakuna kung Sinovac lang at wala ng pagpipilian. Kaya minarapat natin na madaliin yung ibang AstraZeneca sa tulong ng kanilang gobyerno”.
Dagdag ni Go na magpapabakuna sila ng Pangulo sa harap ng puliko para tumaas ang kumpiyansa ng mga tao sa mga bakunang ito.
“Ito lang po talaga ang paraan o susi para makabalik na sa normal na pamumuhay ang buong mundo,” pahabol pa ng senador. (Mylene Alfonso)
The post Sen. Go, tumulong sa maagang pagdating ng AstraZeneca appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: