APRUBADO na ng house committee ng Department Public Works and Highway o DPWH na pinamumunuan ni Romblon Rep. Eleandro Jesus “Budoy” Madrona ang panukalang pagtatayo ng isang 240-kilometrong trans-Mindanao super highway.
Ang panukala ay nakapaloob sa Batas Blg. 2799 na may akda ng Deputy Speaker, 2nd district Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez.
Ayon kay Rodriguez, ang pagtatayo ng super highway ay magkokonekta sa Caraga Region at hilagang Mindanao sa Laguindingan International Airport sa Misamis Oriental ay makakatulong ng malaki sa kaunlaran ng isla ng Mindanao.
Aniya, sa kasalukuyan, ang Agusan del Sur at Surigao del Sur ay nakahiwalay mula sa kanlurang Mindanao dahil sa kawalan ng isang silangan-hanggang-kanlurang highway.
“Ang ipinanukalang highway ay magbibigay daan sa mga tao mula sa Caraga Region na mabilis na makarating sa Laguindingan Airport, na may apat na oras na paglalakbay mula sa Tandag City sa Surigao del Sur,” wika ng mambabatas
“Gayundin, ang mga tao sa Mindanao ay hindi na kailangang pumunta sa Cebu o Maynila para sa mga paglalakbay sa loob at labas ng bansa”, saad nito
Aniya, ang bagong highway ang magbubukas ng malalaking kaginhawaan at kaunlaran sa mga taga Surigao del Sur, Agusan del Sur, Bukidnon, Misamis oriental, at Cagayan de Oro patungo.
Ayon kay Rep Rodriguez, Inatasan na rin ni Rep. Atty. Budoy Madrona ang Department of Public Works and Highways (DPWH) hingil sa 240-kilometrong trans-Mindanao highway na mag-uugnay o magkokonekta sa Tandag sa Laguindingan International Airport.
Samantala sinabi ni Rep. Madrona na ang naturang super highway ay dadaan sa Agusan del Sur, Malaybalay at Talakag sa Bukidnon, na magkakonekta sa kalsada ng Talakag-Barangay Donsolihon at Barangay Donsolihon-Barangay San Simon-Laguindingan Airport highway.
Ang pondo para sa nakaplanong trans-Mindanao super highway ay kasama sa ipinanukalang taunang badyet.
Good job Rep. Rodriguez at Rep. Madrona!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Samantala, laging subaybayan ang palatuntunang “walang personalan trabaho lang” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00nn sa RADYO NG MASA entertainment net radio. Tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band at 10:00am-11:00am sa DWXR 101.7FM – Mapapanood livestreaming via Facebook at Youtube!
The post 240-kilometrong Trans-Mindanao Super Highway, tuloy na ayon kay Cong. Madrona appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: