Facebook

6 Indons ikinulong ng employer sa Cavite, nasagip

SINAGIP ang anim na Indonesians na nagtatrabaho sa call center na ilang buwan ikinulong ng kanilang employer sa isang condominium sa Bacoor, Cavite.
Sinalakay ng mga tauhan ng NBI-International Operations Division ang ikatlong palapag ng condo at nasagip ang anim na dayuhan.
“These guys are basically, nagtatrabaho sa isang call center. Hindi sila pinapalabas in the guise na under quarantine at may pandemic daw. Na-realize lang nila later on ngayong taon nang ang mga kasamahan nilang Indonesians nasa labas naman ng opisina. Tapos nu’ng nagtanong sila kung puwede silang lumabas, pinagbabawalan sila,” ayon kay NBI-IOD Chief Ronald Aguto.
Nadiskubre ng NBI na nakararanas ng hirap ang ilang dayuhang nagtatrabaho sa bagong tayo na kumpanya na nag-recruit sa kanila mula sa kanilang mga bansa.
“Base sa kuwento nila diyan, ‘pag ayaw nilang magtrabaho doon, ibebenta sila sa ibang kumpanya na pag-aari rin ng foreigners. Kino-contain nila ang liberty ng tao, so this is a violation ng ating batas dito sa Pilipinas,” sabi ni Aguto.
Nahaharap sa kasong serious illegal detention at human trafficking ang mga employer ng mga dayuhan, na pinaghahanap ng mga awtoridad.

The post 6 Indons ikinulong ng employer sa Cavite, nasagip appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
6 Indons ikinulong ng employer sa Cavite, nasagip 6 Indons ikinulong ng employer sa Cavite, nasagip Reviewed by misfitgympal on Pebrero 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.