PATAY ang isang barangay tanod habang kritikal ang returning overseas Filipino nang pagbabarilin sa loob ng quarantine facility ng Barangay Mambog, Oton, Iloilo, Biyernes ng madaling araw.
Dead on the spot ang tanod na si Noli Legada, 55 anyos, nakatira sa nasabing lugar.
Dinala naman sa ospital ang OFW na si Mylene Peronce, 27, na tinamaan ng bala sa likod.
Ayon sa ulat, dumating si Peronce noong Miyerkules galing ng Saudi Arabia at sumailalim sa 14-day quarantine na magtatapos sa Mar. 10.
At ang salarin, ang live-in partner ng OFW, na si Melchor Amigable.
Sa report, 2:00 ng madaling araw nang pasukin ng salarin ang barangay hall ng Mambog na nagsisilbing quarantine facility at unang binaril ang tanod na natutulog sa ikalawang palapag ng gusali.
Sunod na binaril ni Amigable si Peronce na natutulog sa unang palapag.
Agad tumakas si Amigable matapos ang pamamaril gamit ang improvise 12-gauge shotgun.
Sa imbestigasyon, selos ang motibo sa krimen. Pinaghihinalaan ni Melchor na may ibang lalaki ang live-in partner.
Ilang beses na umanong sinugod ni Amigable ang quarantine facility para kunin ang cellphone ni Peronce, subali’t pinigilan ito ng mga tanod dahil bawal ang pagbisita sa pasilidad.
Patuloy ang hot pursuit operation ng pulisya laban kay Amigable.
The post Selos: 1 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa loob ng quarantine facility appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: