NAGKAKAHALAGA ng P 7.9 million ng marijuana ang sinira at sinunog matapos salakayin ang limang marijuana farms sa Kalinga.
Ayon kay Philippine National Police Chief, Gen. Debold Sinas, ang 5 plantation farms ay may kabuan land area na 2,550 square meters sa bahagi ng Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga.
Ang pagkakatuklas ng pulisya sa marijuana plantations ay base sa impormasyon ng dalawang naaresto ng mga pinagsanib na elemento ng Special Operation Unit 2 PNPDEG, PDEA Isabela, SAF Kalinga at 2nd Coy Kalinga Provicial Mobile Force Company sa buy bust operation noong Feb. 18, 2021.
Umabot sa 21,600 puno ng marijuana ang sinira kabilang ang 30 kilos dried marijuana at 1 kilo marijuana seeds na nagkakahalaga ng P7,945,000. (Mark Obleada)
The post P 7.9m marijuana sinira sa Kalinga appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: