Facebook

7 bata nasagip sa ‘cyberporn’; lola, ina arestado

NASAGIP ang pitong menor de edad mula sa cyberporn operation ng Philippine National Police Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) sa Labason, Zamboanga del Norte nitong Miyerkules.
Ayon kay Lt. Col. Christine Tan, OIC ng PNP-WCPC Mindanao Field Unit, mismong mga lola at nanay ng mga bata ang mga salarin.
Modus umano nila na ibenta ang mga video ng mga bata sa mga foreigner na nagbi-video call gamit ang messaging app.
Sa halagang P2,000 pataas, pinagso-show ang mga bata sa harap ng camera.
Nasa edad 3 hanggang 14 ang mga batang ni-rescue.
Ang ilang parokyano ng mga suspek ay mula sa Australia. Kaya nakikipag-ugnayan na ang PNP sa Australian Federal Police.
Nasa pangangalaga na ng awtoridad ang mga batang biktima, habang nakapiit naman ang mga magulang nito.

The post 7 bata nasagip sa ‘cyberporn’; lola, ina arestado appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
7 bata nasagip sa ‘cyberporn’; lola, ina arestado 7 bata nasagip sa ‘cyberporn’; lola, ina arestado Reviewed by misfitgympal on Pebrero 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.