HANGGANG ika-16 pa ng Pebrero ang botohan sa NBA All Stars. Pwede bumoto kahit araw-araw.
Sa ikalawang bilangan ay nanguna na si LeBron James (4,369,533) at naglaglag na sa ikalawang puwesto si Kevin Durant (4,234,433).
Opo si King James na nagpahayag na wala ang isip niya sa taunang special game pero maglalaro pa rin siya kung mapipili. Dangkasi’y kinukwestiyon ng guard-forward ng Lakers ang kahalagahan ng All-Stars ngayong pandemya. May ilan ding nagsalita pa na tila prayoridad ng liga ang paligsahan kaysa kalusugan.
Si Aling Barang nagpadala na ng kanyang mga napili. Heto ang kanyang talaan. Ang unang lima sa Western Conference ng may-ari ng pondahan ay sina James at Anthony Davis ng LA Lakerts, Nikola Jokic ng Denver, Luka Doncic ng Dallas at Damian Lillard ng Portland. Para sa Eastern Conference naman ang boto ng ale ay sina James Harden ng Brooklyn, Joel Embid ng Philadelphia,
Trae Young ng Atlanta, Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee at Jayson Tatum ng Boston.
Gaya ni Pepeng Kirat ay wala ni isang cager ng league-leading na Utah sa listahan. Pwede naman sana sina Rody Golbert, Donovan Mitchell at ang Fil-Am na si Jordan Clarkson ngunit sadyang hindi matunog kanilang mga pangalan sa mga tagahanga.
***
May tip sa inyo si Mang Tomas kung wala kayong League Pass ng NBA at hindi carry ng TV5-Cignal ang inyong nais panooring game. Pumunta sa Facebook at i-search ang partikular na match at I-click. Viola ready na kayo mapanood ang laro. Ang madalas daw niyang masumpungan ay ang Unofficial Kai Sotto site na nag-streaming ng ganire. Kung diretso sa google ang search ay mahirap daw hanapin.
***
Samantala dito sa atin ay tuloy ang rehistrasyon ng mga bagong botante. Kung ikaw ay 18 anyos na o magiging isa sa ika-9 ng Mayo 2022 ay pwede ka pumunta sa tanggapan ng COMELEC sa inyong lugar para magpalista. Bukas sila pati Sabado simula sa ika-20 ng buwang kasalukuyan. Kung hindi mo na-exercise ang iyong karapatan at katungkulan sa huling tatlong eleksyon ay magtungo rin sa kanilang opisina dahil malamang ay nabura ka na sa talaan nila.
The post Botohan pa rin appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: