PARAMI nang parami ang mga local goverment units (LGUs) sa buong bansa ang naghahayag ng kanilang pagtutol sa mga kasinungalingan at karahasan ng komunistang-teroristang samahan ng Communist Party of the Philippines/New People’s Army at National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Sa datos nga ng Department of Interior and Local Goverment (DILG) 90 percent na ng LGUs o 1,546 na sa kabuuang bilang na 1,715 ng LGUs ang nagdeklara na, na ‘perona non grata’ na ang CPP-NPA-NDF sa kani-kanilang pamayanan.
Iniulat na ni DILG Secretary Eduardo M. Año na sa 1,546 na LGUs kasama rito ang 64 probinsiya, 110 na mga siyudad o lungsod at 1,372 munisipalidad. Ang natitirang 169 LGUs ay nasa iba’t ibang antas pa ng diskusyon kung paano lalabanan ang CPP-NPA-NDF maliban sa pagdedeklarang persona non grata ang mga ito sa kanilang lugar.
Dagdag pa ng kalihim na 12,474 na mga barangay ang nagdeklara na rin na hindi nila pahihintulutang makapasok ang komunistang-teroristang samahan sa kanilang komunidad.
Anim sa labing-pitong rehiyon ng bansa ay 100 percent nang nagdeklara na persona non grata na ang CPP-NPA-NDF. Apat naman ang malapit na sa 100 percent, ito ay ang Ilocos na 99 percent, Cagayan Valley na 98 percent, Northern Mindanao 95 at ang CALABARZON na 94 percent.
Ang sabi nga ni Sec. Año, maliwanag pa sa sikat ng araw na “isinusuka na ng sambayanan ang CPP-NPA-NDF” at ang mga kaalyado nitong militanteng samahan na ginagamit nilang mga front lamang para makapaghikayat pa ng mga inosente nating kababayan sa kanilang baluktot na paniniwala at ideolohiya.
Dito sa kamaynilaan, nadagdag sa listahan ang Mandaluyong City kung saan naglabas ang Sangguniang Panglungsod ng pahayag na kinikilala nito ang CPP-NPA-NDF bilang isang armadong samahan na ang tanging hangarin ay pabagsakin ang demokratikong sistema nang pamamalakad ng pamahalaan.
Matagal na nga daw problema ng bayan ang komunistang-teroristang samahan at patuloy na mapanganib sa katiwasayan ng bansa, kaya nila inilabas ang resoluyong pinirmahan ng lahat ng kasapi ng konseho at inaprubahan ng kanilang puno ng konseho na si Vice Mayor Antonio Silva at sinang-ayunan ni Mayora Carmelita A. Abalos noon pang nakaraang buwan.
Mabuhay ang Mandaluyong! Ang iba pang lungsod ay dapat sumunod na, at iwasang makitungo pa sa komunistang-teroristang samahan. Dapat maisama sa pagtatakwil sa CPP-NPA-NDF ang mga pinatatakbong paaralan ng lungsod sa pamamagitan ng buwis na ibinabayad ng mga mamayan ninyo at hindi galing sa mga rebulusyonaryong buwis kuno na kinokokekta ng komunistang-teroristang grupo.
The post 90 percent ng LGUs kontra na sa CPP-NPA-NDF appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: