NANGIBABAW ang Abanse Negrense teams sa unang araw ng paligsahan sa Philippine Superliga (PSL) Beach Volleyball Challenge Cup sa sand courts ng Subic Bay Metropolitan Authority sa Zambales.
Ang Abanse Teams A at B ay nagtala ng tig- dalawang tagumpay sa kanya-kanyang pools, kabilang ang Sta lucia tams.
Sa final game, Jennifer Cosas at Gelimae Villanueva ng Abanse B giniba ang Sta Lucia A DM Demontano at Jacckie Estoquia 6-21,21-,15-1.
“‘Yung receive namin nag-adjust po kami tsaka ‘yung setting . . . Opensa po,”Wika ni Cosas.
“Honored po na maging part po kami nitong PSL bubble. Worth it po.”
Pinataob rin nina Alexa Polidario at Erjane Magdato ng Abanse A ang Sta Lucia B nina Bang Pineda at Jonah Sabete 21-14,1-12.
Sumabak rin ang F2 Logistics,United Auctioners Inc. at Toby Sports. Kennedy Solar Energy-PetroGazz bilang guest team.
Ang PSL Beach Volleyball Challenge Cup ang unang volleyball event na sumabak sa pandemic era.
The post Abanse Negrense nangingibaw sa Day 1 ng PSL Challenge Cup appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: