NAKATAKDANG depensahan ni Pedo Taduran ang kanyang IBF minimumweight crown laban kay Rene Mark Cuarto sa General Santos City mamayang gabi.
laban saBula Gym ay ikalawang all-Filipino title fight sa isang Linggo, matapos ang Vic Saludar vs Robert Paradero para sa WBA minimumweight title fight nakaraang Linggo sa laguna.
Sa weigh-in na ginanap nitong Biyernes si Taduran ay nagtimbang ng 104pounds,habang siCuarto ay eksakto sa 105 pound weight limit para sa kanilang 12-round clash.
Ang Albay-born Taduran ay nagwagi kontra kababayan Samuel Salva sa Taguig noong September 2019.
Habang ang 24-anyos Bicolano ay napanateli ang titulo via majority draw laban sa Mexicano Daniel Valladares sa Mexico sa Pebero 2020.
Punitirya ni Taduran na palawigin pa ang kanyng 14-0-1 win-loss record kapag nakaharap ang kanyang challenger mula Zamboanga del Norte, may record na 18-2-2.
Huling lumaban si Cuarto noong December 2019 nang patulugin si Jayson Francisco.
The post Pedro Taduran depensahan ang IBF crown vs Rene Cuarto appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: