Facebook

Tuloy-tuloy ang mga proyekto nina Mayor Fresnedi at Chairman Ampaya

HINDI alintana ng mga kawani ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa ang init ng tag-araw at tuloy-tuloy ito sa paglilinis ng buong lungsod.

Kasama sa mga inaayos at nililinis ay ang mga kalsada habang pinapaganda rin ang ilang pasyalan, at iba pa.

Ayon kay Public Information Office (PIO) CHIEF TEZ NAVARRO, alinsunod ito sa layunin ni MAYOR JIMMY FRESNEDI na mapanatiling maganda at maayos ang siyudad.

Nariyan din ang pagpapaganda o facelift ng Alabang Viaduct sa pamamagitan ng “Green, Green, Green” Project ng Local Government Unit (LGU) kaya’t maaliwalas na itong tingnan para sa mga residente at mga motoristang dumaraan sa South Luzon Expressway (SLEX) dulot ng ‘native flora and fauna design’ dito.

Kasabay nga ng inauguration ceremony ng Phase 1 ng beautification project kamakailan, nagpasalamat naman si Fresnedi sa Department of Budget Management (DBM) matapos mapili ang Muntinlupa bilang isa sa mga recipients ng “green fund” na nagkakahalaga ng P17.29 milyon.

Samantala, hinahangaan din ng mga Muntinlupeños ang mga proyekto’t programa ni CHAIRMAN ALLEN AMPAYA ng BARANGAY POBLACION.

S’yempre, kabilang sa mga ito ay ang paglalagay ng mga solar street lights sa Grotto NBP at Muntinlupa PNP Station 6 papuntang NHA-Southville-3.

Ayon sa pamahalaang barangay sa pamumuno ng butihing kapitan na si Ampaya at mga kagawad, layunin nitong maging maliwanag at ligtas ang kanilang nasasakupan.

Isinusulong din ng tanggapan ni Ampaya ang pagtuturo sa paggawa ng dishwashing liquid at sabon kasabay na rin ang pag-proseso ng iba’t ibang uri ng pabango sa tulong ng isang samahan ng mga kababaihan.

Ang mga ganitong proyekto’t programa nina Mayor Fresnedi at Ampaya ay nagpapatunay na ang lokal na pamahalaan ay may tunay na malasakit sa mga Muntinlupeños at ito ay maaasahan sa lahat ng panahon — maging tag-araw man o tag-ulan.

Saludo po ako sa inyong lahat, mga bossing.

God Bless at Mabuhay po kayo!

***

PARA naman sa inyong mga reaksyon, suhestiyon, reklamo, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-private message sa aking Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Paki-subscribe na rin po ang aking Youtube channel at Tiktok account na ‘Gilbert Perdez’. Maraming salamat at stay safe!

The post Tuloy-tuloy ang mga proyekto nina Mayor Fresnedi at Chairman Ampaya appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Tuloy-tuloy ang mga proyekto nina Mayor Fresnedi at Chairman Ampaya Tuloy-tuloy ang mga proyekto nina Mayor Fresnedi at Chairman Ampaya Reviewed by misfitgympal on Pebrero 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.