Facebook

Ancajas camp tuloy ang training sa LA

PATULOY ang training ni World junior bantamweight champion Jerwin Ancajas sa kanyang nirentahan na apartment sa Los Angeles habang inaantay ang petsa ng kanyang laban kontra Mexican Jonathan Javier Rodriguez sa April.
Sinabi ng kanyang trainer na si Joven Jimenez na ang plano ay mapanateling safe si Ancajas matapos lumabas sa balita na patuloy ang paglaganap ng COVID-19 cases sa kanilang area.
“Ang gym workout dito lang po sa bahay,” Wika ni Jimenez sa online interview ng ABS-CBN News. “Maganda naman po ang boxing ring namin at may gamit naman kami dito. Hindi na po namin kailangan mag gym.”
“Madami kasing nagka-COVID. ‘Yung iba po hindi natuloy ang laban.”
Ancajas (32-1-2) ay sa US training kasama ang Olympic-bound Eumir Marcial at Jonas Sultan, na dapat depensahan ang kanyang IBF junior bantamweight title laban kay Rodriguez (22-1) noong November 2019 pero nagkaproblema ang Mexican fighter sa kanyang visa.
Ang laban ay inurong sa April 2020, pero hindi nangyari dahil sa COVIC-19 pandemic.
Sinabi ni Jimenez na time to time ay nagsasagawa sila ng road work para mapanateli ang stamina ni Ancajas.
“Tumatakbo po kami sa Griffith Park,” aniya.
Ang iba pang training ay para sa conditioning at laying out tactics.
“May sistema kaming ginawa. ‘Yan ang sinusunod namin bawat round o buong 12 rounds. May mga adjustment kung hindi gagana ang strategy,” Sambit ni Jimenez.
“P’wedeng siya ‘yung papasok o lalaro sa labas, o kaya naman maging counter puncher si Jerwin. Pwedeng dapat siya palagi ang mauna sumuntok.”
Training sa isolation ay hindi na bago para kay Ancajas.
Sa kanyang nakaraang laban, ay gumawa siya na parehong routine habang naka locked down sa Philippine Naval Base sa Cavity City.

The post Ancajas camp tuloy ang training sa LA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ancajas camp tuloy ang training sa LA Ancajas camp tuloy ang training sa LA Reviewed by misfitgympal on Pebrero 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.