Facebook

Vaccine, vaccine, vaccine!!!

MASYADO nang napag-iiwanan, kulelat, ang Pilipinas sa pagtugon sa pandemya ng Covid-19.

Maniniwala na sana ako sa naging rason dito ni Pangulong Rody Duterte. Na kaya hindi pa tayo nakakukuha ng Covid-19 vaccines ay dahil kinorner na ng mayayamang bansa ang mga naunang nagawang bakuna.

Pero bakit itong Bangladesh na kinokonsiderang isa sa poorest countries sa buong mundo na may populasyong higit 162 million ay nakapagbabakuna na kontra Coronavirus Disease 2019 (Covid-19)?

Ang Chile na kabilang sa Third World Country ay halos patapos narin sa pagbabakuna sa kanilang mamamayan.

Noong Disyembre na inanunsyo ni Pangulong Duterte na parating na ang bakuna. Na bago matapos ang taon 2020 ay makapagbabakuna na tayo. Eh anong petsa na? 2021 na! 11 days nalang Marso na!

Tapos gumagastos ngayon ng milyon milyong piso ang gobyerno para raw hikayatin ang lahat na magpabakuna kontra Covid-19. Susmarusep! Waste of taxpayers money lang ang infomercials na yan. Bakit hindi nalang sabay na magpabakuna sa harap ng publiko sina President Duterte at Vice President Leni Robredo. Surely, magkakaroon ng kumpiyansa ang lahat na magbakuna. Yes! We’ll follow the leaders.

Pero paano tayo magpapaturok e wala pang bakuna? Puros salita palang ang naririnig natin sa mga opisyal. Sabi ng Presidential Spokesman na si Atty. Harry Roque: “Sigurado sa Pebrero 15 may vaccination na tayo!”

Lumipas ang Valentine’s Day, walang nabakunahan, iba ang naibakuna. Hahaha…

Sunod na anunsyo ni Spox Roque: “Bago matapos ang buwan sigurado may bakuna na tayo.”

Okey! Hintayin parin natin. Kapag wala pang dumating na bakuna sa buwan na ito, dapat magbitiw na si Roque bilang messenger ni Duterte. Pinagloloko nyo na ang mga tao!

***

Nagkalat na ang mga tarpaulin ng “Run Sara, Run” sa kahabaan ng EDSA.

Ganito rin ang style noon ni noo’y Davao City Mayor Rodrigo Duterte, ang ama ni Sara Duterte-Carpio na siya namang alkalde ngayon ng Davao City.

Kung ibang kakandidato kaya ang magsabit din ng ga-nitong tarpaulins sa mga kalye sa Metro Manila, hindi kaya ipatanggal ng MMDA o ng LGUs?

Kamakailan ay inanunsyo ni Sara na hindi siya tatakbong Presidente. Pero last year ay inanunsyo rin niyang bukas siya sa pagtakbong Pangulo, magkukonsulta raw muna siya sa Itaas.

Ganito rin ang ginawa noon ni Duterte, urong-sulong, ginamit pang kasangkapan si Martin Dino na siyang nag-file ng Certificate of Candidacy (CoC) tapos nag-withdraw sa huling araw ng extention ng filing para palitan ng kapartidong si Duterte. Resulta: Panalo si Duterte. Higit 16 million ang kumagat sa mga pangakong 3-6 months drug-free ang Pilipinas. 3-6 months tapos ang korapsyon. 3-6 months wala nang trapik.

Ngayon, 15 months nalang matatapos na ang 6 years term ni Pres. Duterte, talamak parin ang droga, tumindi ang korasyon, at grabe parin ang trapik kahit pandemic.

Kahapon, lumabas sa mga pangunahing pahayagan ang panawagan ni Manila Bishop Broderick Pabillo na pag-aralan ng maaga ang mga politiko na tatakbo sa darating na Halalan 2022. Ito’y para hindi na, aniya, maloko tulad ng nangyari noong 2016. Okey!

The post Vaccine, vaccine, vaccine!!! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Vaccine, vaccine, vaccine!!! Vaccine, vaccine, vaccine!!! Reviewed by misfitgympal on Pebrero 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.