Facebook

Ang ‘di naipamahaging P39.4-B sa Bayanihan 2, at ang P420-B sa B3

NABUKING ng mga kongresista na nasa P39.4 billion pa pala ang ‘di naipamahagi mula sa P140 billion na pondo ng Bayanihan 2 (Bayanihan to Recover as One Act).

Ang halagang ito ay para sana sa government financial institutions at standby funds para sa Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs).

Maliban dito, napakarami pa sa ating mga kababayan ang hindi pa nakakatanggap ng Special Amelioration Program 2 (SAP 2).

Ang naturang unreleased fund ay inipit daw sa tanggapan ni Pangulong Rody Duterte.

Bakit kaya hindi ni-release ang pondong ito? Hmmm…

Tapos heto na naman… nag-file uli ng bill si House Speaker Lord Allan Velasco para sa Bayanihan 3 (Bayanihan to Arise As One Act) na ang hinihirit na pondo ay P420 billion!

Ang rason nila sa B3 bill na ito ay para raw makatulong sa pagbuhay sa nadurog na ekonomiiya dahil sa pandemya ng COVID-19.

Ang bulto ng pondong ito ay para tulungan kuno ang mga negosyo na makabangon mula sa pagkakalugmok sa pandemya, at makapagbigay uli ng panibagong tulong pinansiyal sa mahihirap na pamilyang Filipino. Sana nga!

Narito ang breakdown ng hinihirit na P420 billion para sa B3:

• P52 billion para sa maliit na business subsidies

• P100 billion para sa “capacity-building of businesses in critically impacted sectors”

• P108 billion para sa karagdagang cash assistance to impacted households

• P70 billion para sa agriculture sector

• P30 billion para tulong sa displaced workers

• P30 billion para sainternet allowances sa primary, secondary and tertiary students and teachers

• P5 billion para sa rehabilitation ng mga winasak ng kalamidad

• P25 billion para sa pagbili ng COVID-19 medication at mga bakuna, at sa operational expenses kaugnay sa vaccination.

Maganda ang layunin nitong B3, pero himayin nyo muna kung saan napunta ang higit P39 bilyong ‘di nailabas sa pondo ng B2.

Kahit ang Bayanihan 1 (Bayanihan to Recover as One Act) na pinondohan ng P476.2 billion last year ay napuno ng katiwalian. Napakaraming pamilya ang hindi nabigyan, na hanggang ngayon ay naghihintay, umaasang mabiyayaan ng SAP 1 at SAP 2.

Ang tanong naman ngayon ni Senador Frank Drilon, saan kukunin ang P420 billion para sa SAP 3? Eh pambili nga lang ng pinakamahalagang COVID-19 vaccines ay pinang-utang lang sa Asian Developmeny Bank (ADB) at World Bank.

Para sa akin, makabubuti na ibuhos muna ang natitirang pondo ng bansa sa pagbili ng mga bakuna para mabakunahan lahat ng mamamayan at makabalik na tayo sa normal na pamumuhay, makapagbukas na ang mga nagsarang business establishments para makabalik na sa trabaho ang halos 10 milyon nang jobless. Mismo!

***

39 Partylist groups ang hindi na makakasama sa 2022 Elections.

Ito yung mga partylist na hindi na nakalahok o nabigong makakuha ng sapat na boto sa nakaraang dalawang halalan.

Well, magandang balita ito. Dapat nga ay lusawin na ang Partylist system na ito. Wala namang constituent ang mga ito at nagagamit lang ng mga mayayaman para makapasok sa Kongreso.

Tulad nitong Anakalusugan ni Mike Defensor. Ano bang sektor ang dala nito eh mayroon na tayong DSWD at DoH. Isa pa itong Duterte Youth na ang mga nasa likod ay mga gurang na.

Pinagloloko na ng mga partylist na ito ang gobyerno. Kasalanan ito ng Comelec. Mismo!

The post Ang ‘di naipamahaging P39.4-B sa Bayanihan 2, at ang P420-B sa B3 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ang ‘di naipamahaging P39.4-B sa Bayanihan 2, at ang P420-B sa B3 Ang ‘di naipamahaging P39.4-B sa Bayanihan 2, at ang P420-B sa B3 Reviewed by misfitgympal on Pebrero 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.