NADAKMA ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang apat na umano’y miyembro ng “Dura-Dura” gang nang mambiktima ang mga ito ng mga pasaherosa isang pampublikong bus.
Kinilala ang mga naaresto na sina Jayson Labanin, 26, ng Maganda St., Sampaloc, Manila; Mark Bactol, 30, ng V. Mapa St., Sta. Mesa, Manila; Richard Moreno, 39; at Erwin Obemio, 36, kapwa ng Matimyas St, Sampaloc.
Sa ulat, 7:30 ng gabi nang akyatin ng mga suspek ang isang pampublikong bus na patungo sa Liwasang Bonifacio. Nang pumalag ang mga pasahero, nagkaroon ng komosyon.
Agad na rumesponde sa insidente ang mga kagawad ng Lawton Police Community Precinct sa pangunguna ni Maj Virgilio Platon, dahilan para masukol sina Labanin at Bactol.
Itinuro ng mga suspek ang kinaroroonan ng kanilang mga kasamahan. Nagkasa ng follow-up operation ang mga pulis 8:00 ng gabi sa may Blumentritt sa Sampaloc at nadakip sina Moreno at Obemio.
Ayon sa pulsiya, responsable ang mga suspek sa insidente ng panghoholdap at pandurukot sa mga pasahero ng bus at jeep sa Maynila kungsaan modus ng mga ito ang pagdura sa pasahero para mapatayo ito at kanilang madukutan.
Nahaharap ang apat sa kasong Robbery Hold-up sa Manila City Prosecutor’s Office. (Jocelyn Domenden)
The post 4 miembro ng ‘Dura-dura’ gang nadakma appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: