LIMANG mangingisda mula Atimonan, Quezon na tatlong araw nang nawawala ang nasagip sa mga bayan ng Vinzons at Jose Panganiban sa Camarines Norte nitong Lunes.
Unang nasagip ang dalawang mangingisda sa bayan ng Vinzons at ang tatlo kabilang ang kapitan ng bangka na si Danilo Dalison ay nakita sa bayan ng Jose Panganiban.
Umalis sa Barangay Caridad, Atimonan noong Biyernes, Pebrero 5, ang FV Eljohn lulan ang 11 tao. Pagdating sa laot, inabutan sila ng masamang panahon hanggang sa masira ang bangka at lumubog ito.
Ilang araw na nagpalutang-lutang sa dagat ang mga mangingisda.
Nang masagip ang lima, agad silang ipinasuri sa doktor. Binigyan din sila ng pagkain.
Magkasama ang Philippine Coast Guard at mga Bantay Dagat sa isinagawang search and rescue operation sa karagatan ng Camarines Norte.
Nitong Martes, nakauwi na sa bayan ng Atimonan ang lima. Habang patuloy pang hinahanap ng Coast Guard ang ibang kasamahan ng mga ito. .(Jocelyn Domenden)
The post 5 mangingisda 3 araw missing nasagip sa karagatan ng CamNor appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: