Facebook

Divisoria mall gigibain, 500 stall holders lipat Pritil market

ILALAAN ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ang pangalawang palapag ng Pritil Market para sa 500 manininda na nakapwesto sa Divisoria Public Market na nakatakdang gibain ngayong taon.
Ayon kay Manila City Administrator Felixberto Espiritu, kapag natapos ang konstruksiyon sa ikalawang palapag ng Pritil Market ay maaari nang lumipat ang mga nasabing vendor na magmumula sa Divisoria Public Market ng Divisoria Mall, ngunit dapat magsumite muna sila ng aplikasyon para sa kanilang ookupahing pwesto dito.
Bukod sa aplikasyon, sinabi din ni Espiritu na hindi mabibigyan ng pwesto sa Pritil Market ang mga manininda na hindi taga-Maynila.
Aniya, gigibain ang buong Divisoria Mall at itatayo ang isang 54-story commercial building kung saan mas malaki aniya ang kikitain ng pamahalaang lungsod mula sa buwis nito kumpara sa nirerentahang pwesto ng mga manininda na P40 kada araw.
Hindi naman sang-ayon si Espiritu sa panawagan ng mga vendor sa Divisoria Market na pagbigyan silang makapwesto sa labas ng palengke habang ginagawa ang nasabing lugar dahil mismong si Mayor Isko Moreno Domagoso na ang nag-utos na linisin ang kalsada at mga kalye sa Maynila. (Jocelyn Domenden)

The post Divisoria mall gigibain, 500 stall holders lipat Pritil market appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Divisoria mall gigibain, 500 stall holders lipat Pritil market Divisoria mall gigibain, 500 stall holders lipat Pritil market Reviewed by misfitgympal on Pebrero 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.