NAKAKULONG na ang isang kinukonsiderang big time drug pusher nang mahuli sa buy bust operation ng pulisya sa Barangay Carmen, Cagayan de Oro City, Martes ng gabi.
Inihayag ni Lumbia Police Station Commander, Major Aldren Baculio, na aabot sa kalahating milyong piso ang nakumpiskang shabu mula sa posisyon ni Jose Namata, residente ng nasabing lugar.
Nang maganap ang entrapment, natunugan ng suspek na mga ahente ng pulisya ang kanyang ka-transaksyon kaya kumaripas ito ng takbo pero nakorner din ng mga otoridad.
Nang maposasan ng mga operatiba, umamin ang suspek na may “middleman” ito na nakabase sa loob ng Cagayan de Oro City Jail.
Nabatid na nakapagbenta pa ang suspek ng P45,000 halaga ng droga sa una niyang nakatransaksyon.
Inaalam na ng pulisya kung sino ang big time supplier ng suspek sa piitan.
The post Nahuling tulak ikinanta ang ‘middleman’ sa loob ng City Jail appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: