Facebook

“AYAW KO NA MASAYANG ANG BAKUNA, KAYA PRACTICE TAYO NG PRACTICE” – ISKO

SINABI ni Manila Mayor Isko Moreno na gagamitin ng pamahalaang lungsod ang lahat ng oras habang naghihintay na dumating ang bakuna kontra COVID-19 sa patuloy na simulation exercises para sa vaccination program ng kabisera ng bansa.

Ito ay kasabay ng pag-anunsyo nya ng simulation ng mga kawani mula sa six city-run hospitals na nagsimula na sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) at ginawa sa Pedro Guevara Elementary School.

Pinasalamatan ni Moreno si JJASGH Director Dr. Merle Sacdalan at ang mga kawani ng ospital na nakilahok, nagboluntaryo at nagpakita ng kanilang kagustuhan at dedikasyong magsilbi sa mga taga-Maynila.

Ayon sa alkalde, ang simulation ay bahagi ng paghahanda ng pamahalaang lungsod para sa pagdating ng COVID vaccines upang tiyakin ang mabilis na daloy ng kabuuang proseso ng pagbabakuna.

“Ayaw ko na masayang ang bakuna kaya practice tayo nang practice… ayoko din na maghapon maghihintay ang mga tao. Me panahon pa, kesa nakatengga tayo. Baka me madisgrasya pag dun (vaccination proper) tayo mismo nag-praktis,” Moreno said.

Sinabi pa ng alkalde na ang simulation exercises ay magiging tuloy-tuloy upang masanay na ang lahat na direktang may kaugnayan sa vaccination program.

Kaugnay pa nito ay sinabi rin ni Moreno inaasahan na rin niya ang mga kawani ng pamahalaang lungsod na may kaugnayan sa programa na magkakaroon ng kaalaman kung paano rumesponde sakaling magkaroon ng problema, tukuyin kung nasaan ang problema, kung magkakaroon delay at resolbahin ito.

Ang JJASGH Infection Control Committee ay pinamumunuan ni Sacdalan nang ito ay mabuo kaugnay ng COVID-19 Vaccination Simulation Exercise para sa nasabing ospital.

Sinabi ni Sacdalan na bukod sa exercises na ginagawa, ang mga uri din ng bakuna na available sa merkado ay tinalakay din sa meeting.

“Logistics for the exercise were also detailed in the discussions. The goal of the exercise is to promote the preventive and promotive aspects of health – which includes vaccination to protect employees, frontliners and community members against the COVID-19 disease,” ayon dito. (ANDI GARCIA)

The post “AYAW KO NA MASAYANG ANG BAKUNA, KAYA PRACTICE TAYO NG PRACTICE” – ISKO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
“AYAW KO NA MASAYANG ANG BAKUNA, KAYA PRACTICE TAYO NG PRACTICE” – ISKO “AYAW KO NA MASAYANG ANG BAKUNA, KAYA PRACTICE TAYO NG PRACTICE” – ISKO Reviewed by misfitgympal on Pebrero 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.