Facebook

Unang batch ng bakuna ide-deliver na sa bansa ngayong buwan — Bong Go

INIHAYAG ni Senator Christopher “Bong” Go na tinatayang 117,000 doses ng Pfizer vaccines ang inaasahang ide-deliver na sa bansa ngayong buwan, kasabay ng nasa 5.5 hanggang 9 million doses ng bakuna naman mula sa AstraZeneca na darating sa first at second quarters.

“Sa ngayon po, ang inaasahan natin ngayong buwan na ito ay darating na raw ang unang in-order na vaccine mula sa COVAX. Itong COVAX po ay mula sa WHO (World Health Organization) at sila po ang nangako na magpapadala ng 117,000 na Pfizer vaccines at AstraZeneca, about 5.5 million to nine million,” sabi ni Go matapos pangunahan ang pagbubukas ng ika-100 Malasakit Center sa Research Institute for Tropical Medicine sa Muntinlupa City.

Ayon sa senador, ang mga frontliners na itinataya ang kanilang buhay sa paglaban sa COVID-19, ang makatatangap ng first batch ng vaccines na binili ng gobyerno para sa unang quarter ng 2021.

“Ito po ang unang roll out. Uunahin po ang frontliners para patuloy silang makapagserbisyo. Ito po sa first quarter. Sa second quarter naman, ine-expect nila ang iba’t ibang order po mula sa ating mga pribadong sector at government procurement,” ani Go.

Ipinunto ng mambabatas na ang malaking demand para sa bakuna sa gitna ng limitadong supply ay napalaking hamon, hindi lang sa bansa, kundi sa buong mundo.

“Problema po ngayon siguro ay supply. Nag-uunahan po ang supply sa ibang bansa. Nababalitaan namin na mismong malalaking bansa ay nag-o-order na rin po. Kahit sila mismo ay mga kumpanya na nagpo-produce ng vaccine ay nag-o-order na rin po sa ibang bansa dahil kulang po ang kanilang supply,” sabi ni Go.

Ngunit tiniyak ng senador na mahigpit na naka-monitor si Pangulong Rodrigo Duterte sa developments kaugnay ng ginagawang pagsisikap ng bansa na makabili ng bakuna para sa target na 50 to 70 million Filipino na mabakunahan.

“Mayroon na pong plano. Mayroong vaccine roadmap ang gobyerno being led by Secretary Galvez. Na-identify na po ang unang priority na bibigyan ng vaccine all over the country,” sabi ni Go.

“Sa first roll out ng vaccine na gagawin na po ngayong Pebrero, sa Marso po another order. In the third quarter po, another order na naman po ang darating and, hopefully, by the end of the year, ma-vaccinate na po ang 50 to 70 million Filipinos and, by that time, makapag-adjust na at ma-attain na natin ang herd immunity,” idinagdag niya.

Umaasa si Sen. Go na pagdating sa bansa ng bakuna, magiging malaking tulong ito para makabangon na ang ekonomiya at maibalik na ang lahat sa normal.

“Kaya po nakatutok ang ating mahal na Pangulo, ang ating gobyerno, sa vaccine dahil sa totoo lang po, ang pag-asa natin ay vaccine, para muling makapagbukas ang ating ekonomiya dahil PhP2 bilyon po araw-araw ang nawawala,” anang senador.

“Kaya sa amin po sa gobyerno, importante na dumating po ‘yung vaccine the soonest possible time po dahil sobrang malaking kawalan po sa Pilipino ‘yung PhP2 billion a day na losses po habang wala pa tayong vaccine,” pahabol ng mambabatas. (PFT Team)

The post Unang batch ng bakuna ide-deliver na sa bansa ngayong buwan — Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Unang batch ng bakuna ide-deliver na sa bansa ngayong buwan — Bong Go Unang batch ng bakuna ide-deliver na sa bansa ngayong buwan — Bong Go Reviewed by misfitgympal on Pebrero 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.