Facebook

Kudeta

ODIONGAN, ROMBLON – NAGULAT kami sa sinabi ng bagong hirang na State Secretary Antony Blinken ng Estados Unidos. Plano ng China na maghari sa mundo. Makikita ang plano sa pagbubukas ng maraming konsulado na nagsisilbing opisina sa iba’t-ibang bansa.

Hindi nagbigay si Blinken ng bilang ng mga konsulado at diputadong Intsik na nagtatrabaho doon. Ngunit sinabi na mas marami ang konsulado ng China kesa Estados Unidos. Makikita na seryoso ang China sa plano na maging kanila ang mundo, aniya.

Isa itong dahilan, aniya, kung bakit nagbabalik sa Asya ang Estados Unidos. Hindi maganda na maghari ang China sapagkat kinakatawan ng China ang awtoriyanismo. Wala pakundangan sa demokrasya at karapatan pantao and bansang ito, aniya.

Bilang pagbabalik sa Asya, tutulan ng Estados Unidos ang paglusob at panghihimasok ng China sa Taiwan, ang umalagwang lalawigan ng China. Tutulungan magkaroon ng lakas at kakayahan ang Taiwan upang harapin ang panghihimasok ng China. Tutulungan ang Taiwan na maging aktibo sa mga pandaigdigan simulain at kaganapan.

Katapusan ba ito ng “one-China policy”? Mukhang diyan na papunta. Hindi malayong maging isang malayang bansa ang Taiwan at ang Estados Unidos ang nakatakdang manguna sa pagkilala. Mistulang tinadyakan sa likod ang China.

***

Dahil sa biglang pagdami ng mga konsulado ng China sa mundo, naitanong namin sa sarili ang uri ng panghihimasok sa Filipinas. Inimpluwensiyahan ba ng mga Intsik ang mga opisyales at sundalo ng AFP?

Napakadali sa mga political officer ng China na magpaikot-ikot sa Filipinas at himukin ang mga sundalo na bumaligtad at maging tapat sa China. Totoong maraming sundalong Filipino ang tapat sa Amerika dahil marami ang nag-aral doon. Ngunit matindi ang China. Kakampi nila si Rodrigo Duterte na pinaniniwalaan na mas mahal ang China.

Nahaharap sa peligro ang demokrasya ng Filipinas. Hindi malayo na maging kapareho ito ng China na diktador ang namumuno.

Ang kanilang Plan A ay ilaban ang kandidato ng grupong Davao City. Maaaring si Sara Duterte o kaya si Bong Go. Pipilitin na ipanalo ang kanilang kandidato sa halalan sa 2022. Kung sakali hindi tanggapin ang kandidato ng Davao City, igigiit nila ang Plan B.

Iyan ang kudeta, o sapilitang pang-aagaw ng kapangyarihan. Alam ng China na hawak nila sa bayag si Duterte at gagawin nito ang anuman iutos. Hindi sila aalis sa Asya sapagkat nakasandal ang bahagi ng kanilang lakas sa parte ng Filipinas.
***
MAY isinulat ang aming kaibigan na si Ba Ipe sa kanyang social media account. Madaling unawain kahit nasa wikang Ingles. Narito:

HOW ABOUT A COUP IN THE PHILIPPINES?
I watched intently the separate videos of the confirmation hearings of Defense Secretary Lloyd Austin and State Secretary Antony Blinken at the U.S. Senate. The two Biden appointees had explained the foreign and defense policy shift on China. Blinken, for instance, explained the foreign policy shift in China involves Taiwan protection from China’s aggression and enabling Taiwan to participate actively in international activity. It seemed the end of “one-China” policy was in the offing and possibly Taiwan’s independence in the medium or long-term.

Austin spoke on the defense shift on China, which he meant new investments – or defense expenditures – to raise U.S. presence in South China Sea. He told lawmakers the U.S. intended to check the growing influence of China. Although the U.S is still ahead when it comes to defense capability, it wants to stop China’s influence. Blinken said China wants to be a world power, but the U.S would not allow it.

Blinken said China has been raising the number of consulates worldwide, indicating that its diplomats have been moving around to influence nations to its side. This is a special interest to me because of recent developments – notably the Myanmar coup. Chinese diplomats, or political officers under the guise of beig diplomats, have been moving around the Philippines presumably to entice military officers to a “self-coup” to install Rodrigo Duterte or daughter Sara or son Polong in power when his term of office ends officially on June 30, 2022. The Americans are reading China’s interest in Southeast Asia quietly but effectively. They know their beef.

Let’s keep that in mind as the political campaign heats up. Everything is a failure under the Duterte administration.

***

HINDI masyadong nabigyan ng diin ang pagiging political weapon ng bakuna kontra sa pandemya. Hindi basta makakabili ang mga gobyerno ng bansang lumalabag sa karapatang pantao ng kanilang mamamayan. Isa itong rason kung bakit walang bakuna ang gobyerno ni Rodrigo Duterte. Pinapangakuan siya ngunit walang dumarating.

May resolusyon ang United Nations Commission on Human Rights. Ginawa ang resolusyon noong ika-9 ng Nobyembre noong nakaraan taon at matinding binawala ang mga kumpanyang gumagawa ng bakuna sa Kanluran na huwag ibenta ang kanilang bakuna sa mga gobyerno na lumalabag sa karapatang pantao.

Tanging China ang handang magbigay ng bakuna sa Filipinas. Ngunit saksakan ng mahal at mukhang hindi mabisa. Hindi maibenta ng mga opisyales sa pamumuno ni Carlito Galvez Jr. ang bakuna na galing China. Walang tiwala ang mga mamamayan. Tanging si Bato dela Rosa lamang ang nagsasabi na mabisa ang gawang China. Hindi siya kinakagat.
***
MGA PILING SALITA: “
The CCP with the leadership of Xi Jingpin has only damaged the image and reputation of China to the world community with its false ambition to grab whatever is in its path. An imperial ruler of the world.” – Jun Sibug, netizen

“Sara Duterte’s purported presidential candidacy in 2022 is not taking off. She’s perceived to be very pro-China, a big traitor to the national interest. She’s perceived to be the China candidate. Nobody wants another Duterte presidency. Nobody wants another Makapili. Nobody wants Inferior Davao.” Orlando Jimenez, netizen

***

Email:bootsfra@yahoo.com

The post Kudeta appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kudeta Kudeta Reviewed by misfitgympal on Pebrero 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.