ITO ang paninindigan ni Manila Mayor Isko Moreno sa gitna ng mungkahi ng ilang sektor na gawing mandatory ang COVID-19 vaccination, na hindi sinasangayunan ng alkalde.
Sa halip ay sinabi ni Moreno na mas makabubuting kumbinsihin ang mga mamamayan na magpabakuna sa pamamagitan ng pagpapaliwanag sa kanila ng kabutihang dulot ng bakuna laban sa coronavirus.
“I would rather that we convince the public to voluntarily adhere to safety and make them understand fully the value of safety that inoculation offers. Maraming puwedeng gawing batas…dalin nyo muna bakuna dito kasi yan ang hinihintay ng tao,” ayon kay Moreno.
Ang mga residente ng buong lungsod ng Maynila, ayon kay Moreno ay binibigyan ng sariling desisyon kung gusto o ayaw nilang magpabakuna kontra COVID. Maging ang mga nakapagparehistro na ay maaari pa ding umatras kung gugustuhin nila.
Iginiit ni Moreno na ang lahat ay bantad sa 100 porsyento ng peligro o tsansa ng kamatayan at ang bakuna lamang ang proteksyon mula sa impeksyon.
Sinabi ng alkalde na silang dalawa ni Vice Mayor Honey Lacuna ay may depenitibong planong aksyon, una na rito ay tugunan ang hangad ng mga mamamayan na mabakunahan habang kinukumbinsi naman ang ibang mamamayan na mayroong duda na samantalahin ang libreng bakuna.
“Tayong lahat ay nasa bingit ng alanganin pa rin at 100 percent, most likely, we are in danger but with the safe, certified vaccine, we must get vaccinated and submit ourselves to at least a higher probability of safety,” ayon ka Moreno.
Idinagdag pa ng alkalde na: “Kung me pangamba pa rin, ‘wag kayo mag-alala at ako ang unang magpapaturok sa harapan ng mga mata ninyo. I will shoulder all your worries as a leader or father of the city.. hinihikayat ko kayo na tumungo tayo sa mataas na safety probability. There is no guarantee, but let me remind each and everyone that we all prayed for the vaccine to come at dininig naman tayo ng Diyos.”
Ayon pa kay Moreno, dininig ng Diyos ang panalangin ng mamamayan, dahil inaabot ng maraming taon bago makabuo ng bakuna, pero naging mas mabilis ang pagkakagawa ng COVID vaccine. (ANDI GARCIA)
The post “BAKUNA MUNA BAGO BATAS” – ISKO appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: