Facebook

Bong Go sa pork traders: Ikonsidera ang ordinaryong Filipino

KASUNOD ng pagpapatupad ng price ceiling sa mga pruduktong baboy at manok sa loob ng 2 buwan sa Metro Manila, iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga negosyante na ikonsidera ang kapakanan ng ordinaryong Filipino consumers bago ipursige ang pagsasagawa ng ‘pork holiday’.

“Huwag na po muna kayong mag-pork holiday dahil ang mahihirapan po dito, kapag tumaas ang presyo ng pork at chicken, ay ‘yung mga ordinaryong Pilipino po na ‘isang kahig, isang tuka’,” ani Go.

“Kung maaari lang po ay isaalang-alang muna natin ‘yung kabuhayan po ng mga ordinaryong mamamayan natin,” dagdag ng senador.

Hinimok ng senador ang pork traders na sundin ang price ceiling sa pagsasabing ginagawa naman ng pamahalaan upang mabalanse ang interes ng lahat ng sektor.

“Matapos po pinirmahan ni Pangulong Duterte ‘yung dalawang buwang price ceiling, dapat ay sundin nila ito. Pinag-aaralan naman po ng gobyerno ang lahat at binabalanse,’ sabi ni Go.

“And, in fact, nabalitaan ko po sa isang Cabinet meeting ay inatasan na po ng ating mahal na Pangulo ang Department of Agriculture at ang Department of Trade and Industry na magkaroon po ng surveillance team… titingnan kung sumusunod ba sila dito sa Executive Order,” sabi pa niya.

Matatandaang naglabas si President Rodrigo Duterte kamakailan ng Executive Order No. 124 na pumipigil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng pork at chicken products.

“Kaya ako umaapela sa lahat ng concerned agencies, lalo na ang DA at DTI, pati rin ang pribadong sektor, tulad ng mga traders ng pork, na magtulungan po tayo,” ani Go.

Hiniling niya sa DA na maglatag ng long-term solutions tungo sa food security. Kasama na dito ang pag-stabilize ng supply ng baboy sa buong bansa at pagpapaigting sa kanilang price monitoring at surveillance upang masigurong walang nananamantala at sumusunod dapat lahat sa kautusang temporary price ceiling.

Umapela rin siya sa DA na kung maaari ay i-subsidize ang hog traders o kaya’y tulungan sa transportasyon para mabawasan ang gastos papunta sa Metro Manila. (PFT Team)

The post Bong Go sa pork traders: Ikonsidera ang ordinaryong Filipino appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go sa pork traders: Ikonsidera ang ordinaryong Filipino Bong Go sa pork traders: Ikonsidera ang ordinaryong Filipino Reviewed by misfitgympal on Pebrero 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.