Facebook

Amnestiya sa mga rebelde, pinuri ni Bong Go

PINURI ni Senator Christopher “Bong” Go si Pangulong Rodrigo Duterte na palawakin ang peace building efforts ng pamahalaan sa pamamagitan ng paggagawad ng amnestiya sa mga rebelde tungo sa normal na buhay ng pagiging sibilyan.

“Ayokong nagpapatayan ang mga Pilipino sa kapwa Pilipino. Kung may namamatay na sundalo, nauulila ang pamilya. ‘Pag may namatay sa kabilang panig, nauulila rin ang kanilang pamilya,” sabi ni Go.

“Sino ang kawawa? Pilipino pa rin. Walang katapusan ito ‘pag idadaan n’yo sa armed struggle. Magmalasakit po tayo sa mga inosenteng nadadamay,” patuloy niya.

Kinumpirma ng senador na inaprubahan ni Pangulong Duterte ang serye ng Presidential Proclamations na tutulong upang maabot ang kapayapaan, maimplemnta ang pagkakasundo at reintegration activities.

Magiging epektibo ang proclamations sa pagbabalik ng mayorya ng mga kasapi ng Kongreso. Layon nito na mag-alok ng amnestiya sa mga kasapi ng rebeldeng grupo.

Isang Executive Order na lumilikha sa National Amnesty Commission ang nilagdaan din ng Pangulo.

Ang Commission ang magiging responsable sa pagtanggap at pagpoproseso ng applications, gayundin sa pagdedetermina kung ang aplikante ay eligible sa amnestiya.

Iginiit ni Go na sa pamamagitan ng reintegration programs, services at support, matutugunan ng gobyerno ang dahilan ng pagrerebelde at mabibigyan ng opotunidad ang mga nais magsimula ng bagong buhay.

“Naiintindihan po ng gobyerno ang hirap na pinagdadaanan ng mga kababayan nating may mga pinaglalaban. Kung kaya’t sinisikap natin na maramdaman nila na nandirito lang ang gobyernong nagmamalasakit sa kanila at ginagawa ang lahat para mabigyan ng mas komportableng buhay ang bawat Pilipino,” idiniin ng senador.

“Patuloy po ang serbisyo at tulong natin sa mga nagbabalik loob na former rebels para makapagsimula sila muli at magkaroon ng mas maayos na buhay. Binibigyan rin natin sila ng oportunidad na maging bahagi ng kanilang komunidad at makatulong sa pag-asenso ng buong bansa,” paliwanag ng mambabatas.

Gayunman, nilinaw ni Go na hindi sakop ng bagong amnesty grants ang mga rebeldeng sangkot sa droga, kidnapping, terorismo, rape, at iba pang krimen na isinagawa dahil sa persona na interes.

“Gusto ko ng kapayapaan, lalong-lalo na sa Mindanao. Suportado ko ito. Iisa ang aming layunin ni Pangulo Duterte, ang magkaroon ng long-lasting peace and development sa ating bansa,” pahabol ni Go. (PFT Team)

The post Amnestiya sa mga rebelde, pinuri ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Amnestiya sa mga rebelde, pinuri ni Bong Go Amnestiya sa mga rebelde, pinuri ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Pebrero 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.