Facebook

Bong Go: Gawin ang lahat para sa mahihirap

HINIMOK ni Senator Christopher “Bong” Go an mga ahensiya ng pamahalaan sa ilalim ng Executive department na gawin ang lahat para maibigay sa mahihirap at mga apektadong Filipino na dapang-dapa pa rin ang kabuhayan dulot ng krisis at pandemya sa bansa.

“I am urging the executive to do all possible help. Sa DOLE (Department of Labor and Employment), sa kanilang TUPAD program (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged / Displaced Workers) para sa mga nawalan ng trabaho, at assistance to OFWs,” ayon kay Go

“Sabi ko nga, pigain n’yo na po kung ano ang natitira sa gobyerno. ‘Wag na natin ipasa ang paghihirap sa mamamayan. Kung maaari, ang gobyerno na ang pumasan ng paghihirap dahil ‘yan naman po ang trabaho ng gobyerno,” idinagdag niya.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang antas ng price increases sa bansa ay tumaas ng apat na sunod noong January 2021 sa 4.2%, bunsod na rin ng paglobo ng halaga ng meat products at vegetables, gayundin ng mga produktong petrolyo.

Ito na ang pinakamataas na pagtaas ng inflation matapos ang 3.8% noong February 2019.

Matatandaang nagtakda ng 60-day price ceiling sa pork at chicken sa Metro Manila na nagsimula noong February 8.

Ito ay para matugunan ang pagtaas ng presyo ng meat products dahil sa shortages ng supply na dulot ng African swine fever (ASF) at illegal manipulations ng ilang oportunistang negosyante.

Dahil dito, iginiit ni Go sa gobyerno na asistehan ang micro, small and medium-sized enterprises upang sila ay makarekober sa economic recession ng taong 2020, isa sa pinakamatindi sa kasaysayan ng bansa.

“Kaya nakikiusap po ako sa gobyerno, kung ano po ang pwede nating mai-extend, ibigay na natin sa tao ang tulong. Kung anong ayuda ang pwede, anong trabaho ang pwede, anong maitutulong natin sa small and medium-sized enterprises natin na negosyo para makabangon sila at para makapagbigay din sila ng trabaho dito sa mga ordinaryong Pilipino,” ayon sa senador.

“Ako naman po, in my own capacity, tuluy-tuloy po ang aking tulong sa ating mga kababayan. Iikot po ako para sa mga fishermen, turismo na tinamaan, sa mga walang trabaho,” idinagdag niya. (PFT Team)

The post Bong Go: Gawin ang lahat para sa mahihirap appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go: Gawin ang lahat para sa mahihirap Bong Go: Gawin ang lahat para sa mahihirap Reviewed by misfitgympal on Pebrero 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.