Facebook

Bong Go, top influencer personality — BluePrintPH

ITINUTURING na top influencer personality si Senator Christopher “Bong” dahil sa kanyang mga inilalabas na posisyon sa COVID-19 issues, sa face-to-face classes, pagresponde, pagpapakita ng habag at pagtulong sa mga taong nangangailangan sa panahon nahaharap ang bansa sa krisis.

Batay sa resulta na inilabas ng research firm BluePrintPH sa “Filipino sentiment analysis on education” nito simula March 15, 2020 hanggang January 31, 2021, lumitaw na si Senator Go ang “top influencer personality” sa nasabing panahon.

Si Go, chairman ng Senate committee on health, ayon sa BluePrintPH, ang nakakuha ng “highest engagements” para sa kanyang mga nalathalang posisyon na kinakailangang mag-adapt sa “new normal” ang mga Filipino.

Hinangaan din siya sa kanyang pagsusulong sa e-governance sa paniwalaang ito ang puputol sa korapsyon at red tape at sa pagtutol sa face-to-face classes.

Higit sa lahat, pinupuri siya ng taongbayan dahil sa kanyang iba’t ibang accomplishments bilang isang senador sa pamamagitan ng mga itinutulak na legislative agenda na nakadisenyo upang ang gobyerno ay maging responsive, episyente, lalo na sa ipinakikitang habag sa pag-ayuda sa sambayanang nangangailangan.

Patuloy rin si Senator Go sa pagdidiin sa kritikal na papel ng communication and information dissemination para malagpasan ng bansa ang pandemya at iba pang krisis.

Kinikilala rin ang kanyang pagsisikap upang mapalakas at ma-educate ang publiko hinggil sa kinakailangang pagsunod sa health protocols at sa pagtataas o pagmumulat sa bawat isa ukol sa national vaccine plan, gayundin sa pagtiyak na walang Filipino na maiiwan sa pagbangon ng bansa.

Samantala, labis na pinasalamatan ni Sen. Go ang mga Filipino na nagpahayag ng suporta at tiwala sa kanya gayundin sa mga nag-uudyok sa kanya na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa darating na national elections sa 2022.

Gayunman, ayon sa senador, masyado pa aniyang napakaaga para pag-usapan ang pulitika, lalo sa panahon ngayon na nahaharap ang bansa sa pandemya at nangangailangan ang mga Filipino ng tunay na serbisyo.

“Maraming salamat po sa mga kapwa kong Pilipino sa inyong tiwala. Ako po’y patuloy lang magseserbisyo sa inyo, ‘yan po ang aking ipinangako sa inyo, after my proclamation, masunugan man kayo, baha, pumutok ang bulkan, lindol o kahit anong sakuna, pupuntahan ko kayo para makapagbigay po ng konting solusyon sa inyong problema, makabigay ng konting tulong, at makapag-iwan ng konting ngiti sa panahon ng pagdadalamhati ng ating mga kapwa Pilipino,” ayon kay Go matapos personal na pangunahan ang pamamahagi ng ayuda sa mga mangingisda sa Island Garden City ng Samal sa Davao del Norte.

“Ayaw ko pong pag-usapan ang pulitika, napakaaga pa po. Ang importante po malagpasan natin ang pandemyang ito dahil kung hindi natin malagpasan ang pandemyang ito, wala na po tayong pulitikang pag-uusapan,” ani Go.

“Para sa akin po, ‘wag pag-usapan ang pulitika. Ang pag-usapan natin, kapakanan ng bawat Pilipino, paano natin malalagpasan itong krisis, itong pandemyang kinakaharap natin, ‘yun po ang inaabangan ng bawat Pilipino, malagpasan natin ang krisis na ito,” anang mambabatas. (PFT Team)

The post Bong Go, top influencer personality — BluePrintPH appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go, top influencer personality — BluePrintPH Bong Go, top influencer personality — BluePrintPH Reviewed by misfitgympal on Pebrero 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.